Showbiz News

WATCH: David Licauco at iba pang Kapuso leading men, ibinahagi kung ano ang gusto nila sa isang babae

By Aaron Brennt Eusebio

Maraming babae ang tumitili sa tuwing makikita nila sina Kapuso chinito heartthrob David Licauco, StarStruck season 6 Ultimate Male Survivor Migo Adecer at 'Mr. Pogi' alumnus EA Guzman sa kanilang mga TV.

David Licauco

Pero ano nga ba ang gusto nila sa isang babae?

Inamin ni David na simple lang ang gusto niya sa isang babae.

"Simple, well brought-up by her parents and smart," sagot ng TODA One I Love star.

Cheesy naman ang sagot ni EA nang tanungin kung ano kanyang dream girl.

"Morena and habang tinitingnan mo, lalong gumaganda," saad ni EA.

Panoorin ang kanilang buong 'Slumbook' segment sa Unang Hirit:

Mapapanuod si David gabi-gabi sa TODA One I Love kasama sina Kylie Padilla at Ruru Madrid.

Magiging ka-love triangle naman nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix si Migo sa 'Sahaya' samantalang mapapanuod na simula March 4 ang Dragon Lady, kung saan makakasama ni EA Guzman sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.