Showbiz News

WATCH: Clashers Anthony Rosaldo, Jong Madaliday, Garrett Bolden, masaya sa kani-kanilang debut single

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi pa rin makapaniwala ang The Clash alumni na sina Anthony Rosaldo, Jong Madaliday, at Garrett Bolden na unti-unti nang natutuloy ang kanilang mga pangarap.

Anthony Rosaldo, Jong Madaliday at Garrett Bolden

Hindi makapaniwala si Anthony na nag-number one sa iTunes Philippines ang kaniyang debut song na "Larawan Mo" sa ilalim ng GMA Music.

WATCH: Anthony Rosaldo's first music video, "Larawan Mo"

"Ngayon mahilig humugot yung mga Pinoy, e, at pansin ko sa trend ngayon kung hugot song ka, talagang pumapatok," saad ni Anthony.

IN PHOTOS: A music-filled afternoon with Jong Madaliday, Garrett Bolden and Anthony Rosaldo

Naging viral noon si Jong sa kaniyang mga song cover kaya naman masaya siya ngayon na mayroon na siyang sariling single, ang “Ano Ba?"

"Nakaka-inspire na kailangan mong galingan nang galingan para magkaroon ulit ng single," ani Jong.

Jong Madaliday's debut single "Ano Ba," pwede na ma-download

Tugmang-tugma naman para sa katulad niyang nagsisimula pa lang ang debut single ni Garrett na “Lilipad Na.”

Garrett Bolden's debut single "Lilipad na," maaari nang ma-download

Inamin din niya na may singles na siyang napakinig sa GMA Music at maganda ang feedback dito.

Jong Madaliday, Garrett Bolden and Anthony Rosaldo release first single via GMA Music

Alamin ang buong detalye at panoorin ang report ni Aubrey Carampel sa BalitangHali: