Showbiz News

WATCH: Dawn Zulueta, big fan ni Bitoy

By Cara Emmeline Garcia

Napaka-exciting ng directorial debut ng comedy genius at Kapuso star na si Michael V!

Dawn Zulueta at Michael V

Sa unang pagkakataon, makakatrabaho niya ang award-winning actress na si Dawn Zulueta.

Matagal na daw gustong makatrabaho ni Dawn ang aktor.

“I'm a fan! I'm a silent fan,” magalak na sinabi ng aktres.

At ano ang ma-e-expect ng audience sa magiging pelikula ni Bitoy?

Tinitiyak ng comedy genius na maraming makaka-relate sa plot ng pelikula dahil ito raw ay tungkol sa pamilya na may halong drama at comedy.

“It's a different kind of comedy,” ayon kay Bitoy.

Dagdag naman ni Dawn, “And it's a different kind of drama.”

Panoorin ang interview sa naganap na storycon ng Family History:

EXCLUSIVE: Michael V has no plans of leaving GMA-7, renews his contract

Si Bitoy ang nagsulat at bibida sa pelikulang pinamagatang, 'Family History'. Makakasama ni Michael V at Dawn Zulueta sina John Estrada, Paolo Contis, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at marami pang Kapuso stars.

Bianca Umali at Miguel Tanfelix, excited na para sa 'Family History'