Showbiz News

WATCH: Benjamin Alves, nagsalita na sa breakup nila ni Julie Anne San Jose

By Aaron Brennt Eusebio

Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata ni Kapuso star Benjamin Alves hanggang ngayon dahil nawala ang dalawang tao na malapit sa kaniyang puso.

Benjamin Alves

Namatay ang ama ni Ben na si Ebet Sapida noong October 9. Halos kasunod nito ay ang balitang paghihiwalay nila ni Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose.

Paglilinaw ni Ben, walang kinalaman ang pagkamatay ng kaniyang ama sa paghihiwalay nila ni Julie.

"It would be a disrespect to Julie na sabihin ko na mas nahirapan ako kay daddy kasi those two things were very separate for me," saad ni Ben.

Inamin naman ni Ben na hindi pa niya naiisip na magkaroon muli ng girlfriend.

Paliwanag niya, "I don't have the capacity or the mental health or the emotional health to do anything but try to find a normal for myself first."

Alamin ang buong detalye ng report na 'yan sa video na ito: