advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Mga artistang pinalitan sa show

1 of 24

Rhian Ramos

Pagkatapos magtambal si Rhian Ramos and Dingdong Dantes sa 'Stairway to Heaven,' muli sana silang magsasama sa 'My Beloved.'

2 of 24

Marian Rivera

Ang sinasabing dahilan kaya pinalitan ni Marian Rivera si Rhian ay dahil na-miss daw ng DongYan fans ang loveteam ng Kapuso Primetime King and Queen.

3 of 24

Marian

Si Marian dapat ang gaganap na Jade Tanchingco sa 'The Rich Man's Daughter,' pero dahil sa kanyang pagbubuntis ay napalitan ang aktres.

advertisement
4 of 24

Rhian

Kung dati ay si Rhian ang pumalit kay Marian, ngayon naman ay si Rhian ang gumanap sa role na dapat sana ay kay Marian. Dito ay nainlove ang karakter ni Jade kay Althea na siya namang ginampanan ni Glaiza de Castro.

5 of 24

Maja Salvador

Si Maja Salavador ang dapat na gaganap sa 2008 remake ng Annaliza. Hindi natuloy umere ang show noon dahil "dated" daw ang programa. Ika ng original director-writer ng show na si Direk Gil Soriano, "Dated ang story [noon,] ibig sabihin hindi tatama ang story sa panahon na iyun."

6 of 24

Andrea Brillantes

Dahil dalaga na si Maja nung mga panahong inaasikaso na ang production ng show, si Andrea Brillantes ang gumanap na Annaliza sa 2013 remake. Tinawag din siyang parang "young Judy Ann" ni Direk Gil noon.

advertisement
7 of 24

Lauren Young

Ang unang project sana ni Lauren Young sa Kapuso network ay ang afternoon serye na 'Unforgettable.' Pero sa halip ay sa Primetime slot napunta ang aktres via 'Mundo Mo'y Akin.'

8 of 24

Kylie Padilla

Sa huli ay si Kylie Padilla ang gumanap bilang Rosanna 'Anna' Caruhatan sa 'Unforgettable.'

9 of 24

John Lloyd Cruz

Si John Lloyd Cruz talaga ang dapat na gaganap bilang Carlos sa Bridges of Love.

advertisement
10 of 24

Xian Lim

Ipinasa ang role kay Xian Lim pero napagdesisyonan ng mga namamahala sa career ng aktor na mag-focus ito sa love team nila ni Kim Chiu.

11 of 24

Paulo Avelino

Sa huli ay si Paulo Avelino ang gumanap sa role.

12 of 24

Ayra Mariano

Ang Starstruck first princess Ayra Mariano ang dapat na gaganap bilang kapatid ni Barbie Forteza na si Maricar sa 'That's My Amboy.' Sa huli ay sa 'Poor Señorita' lumabas ang aktres kasama ang Starstruck first prince na si Elyson de Dios.

advertisement
13 of 24

Pauline Mendoza

Si Pauline Mendoza ang gumanap bilang Maria Carmela Tapang, or Maricar for short.

14 of 24

James Teng

Si 'Starstruck' alum James Teng ang napili para gumanap ng role ni Jeffrey sa 'Magkaibang Mundo.' Kinailangan siyang palitan dahil napabilang din si James sa cast ng pinakaaabangang requel ng GMA telefanstasyang 'Encantadia.'

15 of 24

Dion Ignacio

Kay Dion Ignacio napunta ang role na iniwan ni James. Siya ngayon ang gumaganap na Jeffrey sa serye, kasama sina Louise delos Reyes at Juancho Trivino. 

advertisement
16 of 24

Dion

Si Dion Ignacio naman ang first choice para sa role ni Rod sa 'Sa Piling Ni Nanay.' Makakasama sana niya ang kanyang mga 'Starstruck' batchmates na sina Yasmien Kurdi, Katrina Halili, at Mark Herras dito. 

17 of 24

Antonio Aquitania

Kay 'Bubble Gang' star Antonio Aquitania napunta ang role ni Rod dahil nalipat si Dion sa sa isa pang GMA Afternoon Prime drama na 'Magkaibang Mundo.'

18 of 24

JM de Guzman

Si JM de Guzman ang orihinal na pinili para gumanap bilang si San Pedro Calungsod sa isang biographical film, ngunit dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan ay hindi siya tumuloy.

advertisement
19 of 24

Rocco Nacino

Si Rocco Nacino ang pumalit kay JM at bumida sa ‘Pedro Calungsod: Batang Martir.’

20 of 24

Carmina Villaroel

Kinailangang tanggihan ni Carmina Villaroel ang pagganap sa ‘Munting Heredera’ bilang si Sandra Santiago-Montereal at Susan Velasco dahil mayroon siyang iba pang programa sa Kapuso network.

21 of 24

Camille Prats

Sa huli ay si Camille Prats ang nagbigay-buhay sa karakter ni Sandra at Susan sa naturang GMA drama series.

advertisement
22 of 24

Dingdong Dantes 

Si Dingdong Dantes ang unang napili para sa role ni Atty. Carlos Pambide sa ‘Impostora,’ ngunit kalauna’y napabilang siya sa ‘Marimar’ bilang si Sergio Santibanez.

23 of 24

Alfred Vargas

Pinalitan si Dingdong ni Alfred Vargas para sa ‘Impostora.’

advertisement