Showbiz News

Michael V. at Dawn Zulueta, first time magsasama para sa isang pelikula

By Aaron Brennt Eusebio

Sa unang pagkakataon, makakasama ni Kapuso comedy genius Michael V. ang beteranang aktres na si Dawn Zulueta sa isang project kaya naman excited siya na makatrabaho ito.

Dawn Zulueta and Michael V

Magsasama sina Bitoy at Dawn sa Family History, kung saan ang una mismo ang nagsulat at magsisilbing direktor nito.

"Yes," mabilis na sagot ni Bitoy nang tanungin kung hand-picked niya si Dawn.

"Naka-ilang hand pick na nga kami sa kaniya, buti napapayag," dagdag pa ng Pepito Manaloto star.

Ayon naman kay Dawn, gustung-gusto na niyang makatrabaho si Bitoy dahil isa siyang silent fan ng Bubble Gang stalwart.

"I've always wanted to work with Bitoy. Always," pag-amin ni Dawn.

"I'm a fan. Yung characters niya sa TV tuwang-tuwa talaga ako."

Kilala si Bitoy sa pagiging natural na komedyante samantalang nakilala naman si Dawn sa kaniyang galing sa drama.

Kaya nang tinanong sila kung ano ang magiging genre ng Family History, sabay tanong ni Bitoy kay Dawn, "Comedy naman 'di ba?"

Sagot ni Dawn, "Well, 'pag ako naman kasama drama 'yan e."

Sambit naman ni Bitoy, "It's a different kind of comedy."

Dagdag ni Dawn, "And it's a different kind of drama."

Makasasama rin nila sa Family History sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Ina Feleo at John Estrada.

Kabilang din sina Nonie Buencamino, Paolo Contis, Kakai Bautista, Vince Gamad, Nikki Co, Jemwell Ventinilla at Mikoy Morales.

May special participation naman sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and comedienne Eugene Domingo.

Ang Family History ay co-produced ng GMA Pictures at ng husband and wife team nina Michael V and Carol Bunagan under Mic Test Entertainment, Inc.

Abangan ang 'Family History' sa mga sinehan!