Showbiz News

WATCH: Ken Chan is a watermelon farmer for a day

By Marah Ruiz

Nagtungo sa Magalang, Pampanga si Kapuso actor Ken Chan para sorpresahin ang Day Off winner na si Elmer Calimlim.

Ken Chan

Isang pakwan farmer si Kuya Elmer kaya sinubukan ni Ken ang lahat ng trabahong ginagawa nito sa farm.

Nagtanim siya ng mga watermelon seedlings, nag-harvest at nag-sort din ng mga pakwan pagkatapos.

"Doon pa lang sa planting, ang hirap hirap na ng ginagawa nina Kuya Elmer. Naramdaman ko kagad 'yung hilo dahil sa init ng araw. Ang hapdi sa balat. Pagkatapos, 'yung sakit sa bewang mo,' yung ngawit sa paa mo, halo halo," kuwento ni Ken tungkol sa experience.

Dahil dito, mas napahalagahan na daw ni Ken kung saan nanggagaling ang mga nakahain sa hapag kainan.

"'Pag kumain tayo ng pakwan, ilang minuto lang ubos. Busog tayo. Hindi natin naiisip na ang dami palang proseso ng pakwan para maging isa itong masarap, matamis, malaki, malinamnam, fresh," aniya.

Panoorin ang experience ni Ken bilang isang pakwan farmer sa feature na ito ng Day Off: