Showbiz News

WATCH: Korean actor So Ji Sub, gustong pumasyal sa iba't ibang lugar sa Pilipinas

By Cara Emmeline Garcia

Halos nakakabinging tilian ang bumati sa South Korean actor na si So Ji Sub noong Sabado, March 16, sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Ang “Hello, Manila” fan meet ni So Ji Sub ang ika-pito at huling stop ng kanyang Asian tour.

Maaalalang gumanap ang aktor sa hit K-drama series tulad na lamang ng Master's Sun at Oh My Venus! na parehong ipinalabas sa GMA.

Sabi ng Korean actor mahilig daw siya sa mga karne kaya nagustuhan daw niya ang Pinoy food na liempo dahil maihahalintulad ito sa Korean food na samgyeopsal o grilled pork belly.

Kung mayroon mang pagkakataon, gusto rin niyang pumasyal sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Saan naman kaya?

Alamin sa chika ni Aubrey Carampel:

LOOK: So Ji Sub meets fans in Manila