Showbiz News

WATCH: Ashley Ortega, Thea Tolentino at Therese Malvar, mga bagong breed na kontrabida

By Cara Emmeline Garcia

Kilala sina Cherie Gil, Gladys Reyes, at Katrina Halili bilang mga iniidolong kontrabida na mapapanood sa hit Kapuso shows.

Ashley Ortega, Thea Tolentino, & Therese Malvar

Pero ngayon, umuusbong na rin ang mga new breed kontrabidas.

Sa pagsisimula ng bagong primetime series na Sahaya na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, dapat din daw abangan ang karakter ni Ashley Ortega na magiging kaaway ni Sahaya sa serye.

Kuwento ng aktres, pinaghahandaan niyang mabuti ang kanyang role bago niya gawin ang eksena.

“If ever may makukuha ako na scene na magagalit, aalamin ko 'yung story kung ano ba 'yung reason o pinanggalingan niya at tsaka kung anong mangyayari para alam ko 'yung flow ng character,” aniya.

Kung pagiging kontrabida ang pag-uusapan, hindi rin pahuhuli si Kapuso actress Thea Tolentino.

Dahil sa rami na ng kanyang mga naka-eksena noon tulad nina Barbie Forteza, Maine Mendoza at Kris Bernal, itinatampok siya bilang prima kontrabida ng kanyang henerasyon.

Ano tanging inspirasyon niya sa kanyang mga roles bilang kontrabida?

Alamin sa video na ito:

READ: Kris Bernal at Thea Tolentino, taos-pusong nagpapasalamat sa 'Asawa Ko, Karibal Ko'