Showbiz News

'Buwan' singer Juan Karlos Labajo, nakatanggap ng 'death threat'

By Aedrianne Acar

Nakababahala ang naging rebelasyon ng 'Buwan' singer na si Juan Karlos Labajo sa Instagram, matapos nitong kumpirmahin na nakatanggap siya ng death threat.

Juan Karlos Labajo

Sa sunod-sunod niyang post sa Instagram Story, ibinahagi niya ang natanggap na mensahe kung saan pinagbantaan ang kaniyang buhay.

Mayrun din siyang patutsada sa taong nagpadala sa kaniya ng death threat. Aniya, “Basta kung ganiyan ang ugali alam niyo na kung kaninong fan 'yun. Pag may mangyari man sa akin kilala niyo na kung sino paghihinalaan niyo.”

Sa isa namang post, taos-pusong nagpasalamat ang heartthrob singer sa mga tao na walang sawa na sumusuporta sa kaniya sa kabila nang lahat.

“Yung sa mga nagmamahal sa akin, kilala ko kayo. Binabasa ko message niyo kaso lang di ako mareplyan lahat. Basta, maraming salamat, mahal ko rin kayo.”