Showbiz News

Mark Anthony Fernandez teams up with Heart Evangelista on his next TV project

Get your daily dose of hot gossip here in iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day—you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Wala na ngang makakapigil pa sa muling pagbango ng showbiz career ni Mark Anthony Fernandez. Hindi pa man natatapos ipalabas ang Ako si Kim Samsoon, may kasunod na agad na primetime series sa kanya ang GMA-7. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa first birthday ng anak nina Tanya Garcia at Mark Lapid na si Mischa Amidala noong Linggo, September 21. "Ang susunod kong soap, Luna Mystica," pagbabalita ng aktor. "Ang alam ko, it's a telefantasya with Heart Evangelista. Hindi ko pa nga lang masyadong alam kung remake ba yung Luna Mystica or bago, kasi title pa lang ang nasabi sa akin. Hindi ko pa rin alam yung story. Sinasabi palagi ni Mark na gusto niya, palaging bago ang gagawin niyang character. "Naiisip ko nga yung fantasy, kasi yung (Chronicles of) Narnia napanood ko. Sabi ko talaga, sana makagawa ako ng telefantasya. Tamang-tama naman, ‘eto may gagawin nga ako. Hindi ko nga lang alam kung gaano siya ka-fantasy," saad niya. Bukod sa Ako Si Kim Samsoon ay napanood din si Mark sa Impostora at Kamandag. First time din daw niyang makakasama sa isang project si Heart. "Ang alam ko, magaling naman na artista si Heart and ine-expect ko na isang magaling na artistang Heart ang makakasama ko. At saka siyempre, yung makakakita ka ng isang magandang Heart Evangelista," saad ni Mark. Sa pagkakaalam ni Mark, October na rin nila sisimulan ni Heart ang pagte-taping para sa Luna Mystica. Second Wind Aminado si Mark na naging malaking tulong sa kanya ang pagkakaganap niya sa role na Cyrus sa Ako Si Kim Samsoon. Dahil dito masasabing mas bumango ang pangalan niya and even elevated him as a romantic leading man. "Siyempre, super thank you ako sa GMA. Sa tiwalang ibinibigay nila sa akin. Nang dahil doon, naaalala ako ng mga tao," sambit ng dating miyembro ng Guwapings. Naging positive naman daw siya noon na makakabalik pa rin siya. Pero aminado siyang hindi niya inakala na magiging ganito pa rin kainit ang pagtanggap sa kanya ng publiko. "Parang hindi ganito," sabi niya. "Ako naman kasi, ang naiisip ko rin, hindi pa naman ako nagpi-peak. Pero siyempre, hindi ko rin alam kung darating pa yun or kung kailan darating. Basta ako lang, palagi lang akong thankful. Pero oo nga, hindi ko rin akalain na darating pala. "Yung sa Kim Samsoon, feeling ko, para bang naambunan ako ng konting fans ni Ms. Regine Velasquez. Yung mga fans na nag-iidolo sa kanya, idol na rin ako ng konti. Parang dumami ng konti yung fans ko." Silang apat na raw ngayon nina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, at Dennis Trillo ang puwedeng sabihin na top leading men ng Kapuso network. Ano ang nararamdaman ni Mark sa labeling na yun? "Sobrang natutuwa!" bulalas niya. "Siyempre, kahit na mas matanda ako ng konti sa kanila... Ay, gusto ko palang linawin, lumabas doon sa Metro HIM magazine na 30 years old na ako, e, hindi pa naman ako 30 years old. Nagkamali yung quote, pero aminado din naman yung editor. I'm only 28." Patuloy ni Mark, "About the leading man, siyempre thankful ako. Pero siyempre, alam ko na may konting pressure ro'n. I have to live up to the expectation. Kaya naman ako, ensayo nang ensayo. Para maging ready lang ako palagi at hindi naman sila mapahiya sa akin." Mark as a Family Man Sa lahat ng magagandang nangyayari ngayon sa career niya, kumusta naman ang pagsasama nila ng asawa niyang si Melissa? Hindi ba ito naapektuhan, lalo na ngayong busy siya sa kanyang showbiz career? "Strong naman kami at may mga instances na lalong tumitibay ang pagsasama namin. Pero kahit may mga ganito naman, understanding naman siya. Iniintindi naman niya ang situwasyon ko. "At saka, minsan nga, hindi na siya sumasama. Let's say, may mga babaeng fans, hindi na lang siya sumasasama para raw yung mga fans, hindi naman na masyadong mailang kung may mga lalapit man," lahad ng aktor. On his Father's Death For a while, pinipilit na rin ni Mark na hangga't maari, huwag na lang masyadong magkuwento tungkol sa namayapa niyang ama na si Rudy Fernandez. Ito na rin marahil ang kanyang paraan para makapag-move on siya. Pero nang makausap siya ng PEP, halatang relax lang si Mark to talk about his feelings magmula nang mamatay ang kanyang ama. Mas okey na ba siya ngayon? "Hindi, e, parang hindi. Hindi talaga. Hindi ko alam kung nasaang state of mind ako ngayon, kung nasaan ako sa buhay ko ngayon. Okey, alam ko na nagtatrabaho ako. Kung buhay si Papa ngayon, ‘tapos walang problema, talagang ang ganda-ganda na ng nangyari! "Pero since nawala nga si Papa, parang hindi ko alam kung anong emotional side ba ako. Kung happy ba ako or sad ako, or kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Pero sa lahat, mas nararamdaman ko pa rin ang lungkot," pag-amin ni Mark. Sa tingin ba ni Mark ay masaya ang kanyang ama sa mga nangyayari sa kanya ngayon? "Oo, maraming nagsasabi sa akin. At naiisip ko rin naman, alam ko na magiging happy siya dahil nakikita na niyang I can stand up on my own two feet. Maayos naman ang trabaho," pahayag ng panganay na anak ni Daboy. Nararamdaman naman daw niyang gina-guide pa rin siya ng ama niya. "At saka bukod doon," dagdag ni Mark, "pati yung mga friends niya, ang babait sa akin. Like sila Tita Lolit [Solis], alam kong nandiyan lang sila. Alam kong mahal na mahal nila ako at ayaw nilang may mangyaring masama sa akin. "Ayaw nila na masyado akong ma-pressure. Kahit yung mga taga-GMA, yung pag-alaga sa akin, kahit noong time na kakamatay lang ni Papa... I had to tape right after, parang alam ko na nandoon si Ms. Regine, na kailangan kong galingan. "Noong mamatay si Papa, hindi ko alam kung paano ako makakabalik ng trabaho. Imagine, magpupuyat ka, ‘tapos ang dami mong iniisip. May nangyari rin na isang instance, antok na antok na ako, pero hindi ako makatulog. Although ngayon naman, nakakatulong na ako unlike before. At saka iniisip ko rin yung sinabi ng isang boss namin na, ‘Gawin mo lang ang pangako mo, gagawin naman namin ang pangako namin.'" Pero natawa si Mark nang tanungin namin kung sino yung boss na tinutukoy niya. "Secret! Pero from there, kapag naiisip ko yung quote na yun, kapag inaantok ako, kapag naiinis na ako... Isipin n'yo, one week after ng death ng papa ko, pumunta ako roon [taping]. Siyempre, hindi naman perfect sa trabaho, maraming aberya. Yun na lang palagi ang iniisip ko at naging inspirasyon ko." Hindi raw siya yung regular kung dumalaw sa puntod ng ama. "Ginagawa kong very special yung pagdalaw ko ro'n. Hindi palagi, hindi panay-panay. Pero kapag pumupunta ako, I make sure na heartfelt," sabi niya. Totoo bang ang bahay raw ng papa niya sa White Plains ay sa kanya ipinamana? "Yung ibinigay sa akin, yung unang-unang bahay ni Papa. Tinirhan din yun ng mama ko [Alma Moreno] noong sila pa. Tinirhan din nila ni Tita Lorna [Tolentino, Daboy's wife] noon. Sa ngayon kasi, may nagre-rent pa. So siguro, baka next year, matitirhan ko na," pagtatapos ni Mark. -- PEP (Philippine Entertainment Portal) Get to discuss more about Mark Anthony Fernandez by logging on to the iGMA Forums! Not yet a member? Register here!