Showbiz News

WATCH: Naranasan mo na bang mapaasa?

Anim na buwan nang very close at “happy lang” sina Ella at Ben, mga kontraktwal worker na nagbebenta ng mga lupa at condo unit.

David Licauco at Shaira Diaz

Matagal nang palaisipan kay Ella kung ano'ng tawag sa relasyon na meron sila ni Ben na hindi pinapakitang sila ay magkaibigan lang, pero hindi rin naman consistent sa pagpaparamdam na sila ay more than friends.

Para kay Ella, oras na para alamin niya kung ano ang estado niya sa puso ni Ben.

Maglalakas loob siyang ilabas ang kaniyang nararamdaman, pero handa ba siyang tanggapin ang magiging sagot ni Ben?

Abangan ang kanilang kuwento sa One Hugot Away ngayong March 25, umaga, hapon at gabi sa GMA.