Showbiz News

EXCLUSIVE: Divine Tetay, may first time daw ginawa sa pelikulang 'Kiko en Lala'

By Michelle Caligan

Makakasama ni Super Tekla sa kaniyang upcoming comedy film na Kiko en Lala ang kapwa komedyanteng si Divine Tetay, na gaganap bilang ang karibal ni Lala na si Wagas.

IN PHOTOS: At the pictorial of Super Tekla's comedy movie 'Kiko en Lala'

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Tetay, ikinuwento niyang may ginawa raw siya sa pelikulang ito sa kauna-unahang pagkakataon.

"May pisikalang naganap dito, na first time ko ginawa,” aniya.

“At first, I was really shocked pero after we shot it, it felt good (laughs).

“Magandang pisikalan ito so you really have to watch it.

“I wasn't prepared when our director told us na, 'Meron kayong ganyan.'

“When we got there, sabi niya, 'Hindi, let's change it. Let's do this instead.'"

Dagdag pa niya, masaya at magaang katrabaho si Super Tekla at ang iba pa niyang co-stars.

EXCLUSIVE: Tekla, masaya sa suportang ibinibigay ni Aiai delas Alas sa kanyang pelikula

"We used to work sa parehong comedy bar, so parang alam na namin 'yung timing ng isa't isa.

“It's a lot easier for me to work with Tekla, and Tekla din sa akin. Alam na namin kung kailan 'yung bitaw ng punchline.

"'Yung iba kailangan pang mag-workshop, dito wala.

“Bigay lang nila ang script, basahin lang namin before kami mag-take, isang rehearsal lang and then okay na. It's really a breeze."

Abangan ang Kiko en Lala, coming soon in cinemas nationwide.