Showbiz News

WATCH: Kisses Delavin, kinilig nang makita si Marian Rivera sa isang awards night

By Aedrianne Acar

Lumabas ang pagka-fan girl ng young actress na si Kisses Delavin nang muli niyang makita ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa 50th Box Office Awards Awards night kagabi, March 24.

Marian Rivera & Kisses Delavin

READ: Dantes family, hinangaan ni Kapamilya actress Kisses Delavin

Sa isang video na inupload sa Twitter, makikita na nakipag-beso si Kisses kay Marian. Maraming netizens ang natuwa na sweet ang dalawa kahit na sa magkabilang network.

Tinaggap kagabi ni Marian sa naturang award-giving body ang parangal na Bert Marcelo Lifetime Achievement Award.

Nagwagi din ang Sunday PinaSaya sa Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards ng parangal bilang Popular TV program (Musical Variety/Noontime/Primetime).

Proud din ang Kapuso primetime actress sa Sunday PinaSaya co-star niya na si Kyline Alcantara nang parangalan ito bilang Promising Female Concert Performer of the Year.