advertisement
Showbiz News

LOOK: Tirso Cruz III before becoming Padre Damaso in 'Maria Clara at Ibarra'

1 of 16

Nora and Tirso

Unang nagsama ang mga aktor na sina Nora Aunor at Tirso Cruz III sa mga pelikulang '9 Teeners' at 'Yeye Generation!' noong 1969. 
 

2 of 16

Nora and Tirso pairing

Una silang ipinareha bilang isang love team sa pelikulang 'Young Girl' noong 1969. 
 

3 of 16

Love team

Pumatok ang kanilang love team dahil kakaiba ito sa panahong iyon—maliit at maitim si Nora habang matangkad at mestizo naman si Tirso.
 

advertisement
4 of 16

Guy and Pip

Mas kilala ang love team nina Nora at Tirso bilang Guy and Pip. Hango ito sa pamagat at mga pangalan ng kanilang mga karakter sa highest grossing film ng pares noong 1971 na 'Guy and Pip.'
 

5 of 16

Endorsements 

Dahil sa kanilang kasikatan, sila ay naging product endorsers ng ilang local at international brands. 
 

6 of 16

Mature

Sumikat sila sa mga youth-oriented films ngunit kasabay ng kanilang pagma-mature, sumubok sila sa mga mas seryosong  pelikula. Isa na dito ang 'And God Smiled At Me' noong 1972 na nagbigay kina Nora at Tirso ng kanilang unang acting awards.  
 

advertisement
7 of 16

Maria Leonora Theresa

Ang manikang si Maria Leonora Theresa ang tinaguriang anak ng love team na Guy and Pip. Lubos itong kinagiliwan ng mga fans at nagkaroon pa ng sarili nitong pelikula at madalas bigyan ng mga fans ng iba't ibang regalo. 
 

8 of 16

Guy and Pip albums

Nag-record ng ilang albums sina Guy at Pip. Ilan na dito ang 'Dream Come True' noong 1971, 'Mahal' noong 1978 at 'Till We Meet Again noong 1985. 
 

9 of 16

Till We Meet Again

Taong 1978 nang huli silang magsama sa 'Mahal Mo, Mahal Ko' kaya naging matagumpay ang naging comeback movie nina Nora at Tirso na 'Till We Meet Again' noong 1985. 
 

advertisement
10 of 16

Award-winning

Bukod sa pagiging sikat, seryoso sa kanilang acting careers sina Nora at Tirso. Umani ng maraming parangal at nominasyon ang kanilang pelikulang 'Bilangin ang mga Bituin sa Langit' noong 1989. 
 

11 of 16

Nora and Tirso's last film

Ang huling pelikulang ginawa nila na nagkaroon ng theatrical release ay ang 'Inay' na kalahok sa Metro Manila Film Festival noong 1993. Gumawa rin sila ng isang TV movie noong 2014 para sa isang local TV network. 
 

12 of 16

Nora now

Active pa rin sa showbiz si Nora at huling lumabas sa GMA Telebabad series na 'Little Nanay' kasama sina Kris Bernal at Bembol Roco. 
 

advertisement
13 of 16

Nora in indie films

Bukod sa iba't ibang kolaborasyon sa mga tanyag na direktor, lumalabas din si Nora sa mga indie films. Ilang internasyonal na parangal na rin ang natanggap niya para sa mga ito tulad ng Best Lead Actress in a Foreign Language Film sa St.Tropez International Film Festival (France) para sa 'Dementia.'
 

14 of 16

Tirso now

Nitong 2022, pinagdiwang ni Tirso ang kanyang 41st wedding anniversary sa kanyang asawang si Lynn Ynchausti. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina TJ, Bodie at Djanin.

15 of 16

Tirso in indie films

Nanalo si Tirso bilang Best Supporting Actor sa 2015 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang 'Honor Thy Father.'

advertisement
17 of 16

Padre Damaso

Parte si Tirso ng GMA drama fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra' bilang ang malupit na kura na si Padre Damaso mula sa aklat na 'Noli Me Tangre.'