Showbiz News

#WomenPower: Jessica Soho, Susan Enriquez, Cata Tibayan and Ali Sotto recognized at the Gawad Filipino Women's Month Awards 2019

By Aaron Brennt Eusebio

Kinilala ang GMA News personalities na sina Jessica Soho, Susan Enriquez, Cata Tibayan at Ali Sotto sa Gawad Filipino Women's Month Awards March 30, sa Novotel, Quezon City.

Jessica Soho, Susan Enriquez, Cata Tibayan and Ali Sotto

Pinarangalan ang State of the Nation host na si Jessica bilang Natatanging Filipina sa Larangan ng Media.

Kinilala rin si Susan Enriquez bilang Natatanging Filipina sa Larangan ng Pagbabalita, samantala hinirang naman ni GMA News showbiz reporter na si Cata Tibayan bilang Natatanging Filipina sa Larangan ng Pagbabalita sa Showbiz.

Binigyang-parangal naman si Super Radyo DZBB host Ali Sotto ng pagkilala bilang Natatanging Filipina sa Larangan ng Pagbabalita at Pagtulong sa Karapatan ng mga Kababaihan.

Kinikilala ng Gawad Filipino Womens Month Awards ang mga indibidwal, organisasyon, at kumpanya para sa mga kategoryang Dangal ng Sambayanang Filipino, Dangal ng Bayan Filipino, Dangal ng Kawal ng Bayan, Dangal ng Husay at Galing at Media People's Choice Awards.

Congratulations, mga Kapuso!