Mabuting ehemplo sa bayan ang inyong mga idolo dahil tumakbo na sila sa kani-kanilang mga presinto upang bumoto para sa kinabukasan ng Pilipinas.
First time voters ang social media couple na sina Doug at Cheska. Saad ni The Bicep Jumper, “[It’s an] amazing feeling knowing every single vote counts!”
The Alcasids are done voting! #GodBlessthePhilippines
“Boto na!” ang sabi ng ‘Sunday PinaSaya’ host na si Joey Paras nang matapos siyang bumoto kaninang umaga.
‘Hanggang Makita Kang Muli’ star Bea Binene was first in line as well as a first-time voter. “‘Dapat Tama’ para sa bayan” ang kanyang motto.
“Wag maging bulag, alam natin ang totoo” ang ipinapahiwatig ng teen actor na si Kristoffer Martin. Dagdag pa niya, “I voted for this nation’s future. I’ve done my part. Let’s see what happens next.”
Proud ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto sa kanyang accomplishment ngayong araw. Aniya, “[I] exercised my right to vote.”
Nag-iwan ng napaka-importanteng mensahe ang aktres na si Joyce Ching, “No matter what happens, no matter who wins, let's stand together as a nation and believe that God is in control.”
Kasama ni ‘Eat Bulaga’ host Pia Guanio ang kanyang asawa na bumoto. Paalala ng TV host, “The right to suffrage is an important one. It determines our future. Don't waste it by selling it.”
Kagagaling lang ng Hacienda Fortuna ang ‘Magkaibang Mundo’ actress na si Assunta de Rossi.
Dahil tapos nang bumoto si Kapuso singer Aiza Seguerra, naitanong niya kung “Pwede na kayang mangulangot?”
Most of the time, we see ‘Juan Tamad’ star Sef Cadayona crack jokes. On election day, he minds his serious business.
“God bless our votes and this country,” ang inaasam-asam ng Kapuso star na si Carla Abellana.
Inayawan ni ‘Mars’ host Camille Prats ang pagiging celebrity endorser ng isang kandidato dahil labag ito sa kanyang kalooban.
Ang ating kinabukasan ang importante para sa Kapuso actress na si Gwen Zamora.
First time voter rin ang ‘Encantadia’ star na si Sanya Lopez. Kamusta naman kaya ang kanyang karanasan?
Walang ibang hangarin ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista kundi ang magkaroon ng “maliwanag na kinabukasan para sa ating lahat.”
Tanong ni Kapuso hunk actor Mike Tan, “I’m done casting my vote. Are you?” kaya maaga rin siyang nagpahinga ngayong Lunes.
‘Pepito Manaloto’ star Jen Rosendahl is now enjoying quality time with her family after doing her part for the country.
Gumising ng maaga ang ‘Bubble Gang’ actress na Rufa Mae Quinto para bumoto sa kanyang presinto. Magdadasal na lang raw siya para sa ating bansa.