Showbiz News

WATCH: Ken Chan, nakiisa sa pagdiwang ng World Autism Awareness Day

By Cara Emmeline Garcia

Nakilahok ang My Special Tatay actor na si Ken Chan sa World Autism Awareness Day sa SMART Araneta Coliseum kahapon, April 2.

Ken Chan

Para kay Ken, isang karangalan ang bumida sa series dahil nagsilbing boses ang karakter niyang si Boyet para sa mga taong may autism.

At kahit tapos na ang GMA Afternoon Prime series, patuloy pa rin ang paghatid ng inspirasyon ang kwento ni Boyet sa mga iba't ibang manunuod.

Kwento ni Ken, “Mayroon akong nakasalubong na isang nanay sa isang mall 'tapos niyakap niya ko ng mahigpit.

“Sinabi niya, 'Salamat, Ken Chan, kasi tinutulungan mo kami through 'My Special Tatay.'

“'Tapos hinahanap ko yung anak niya na may autism at pinuntahan namin.

“And then a five-year old boy ang lumapit sa akin 'tapos pinagki-kiss niya ako sa mukha.”

Dagdag pa ni Ken, “Para akong matutunaw sa sobrang saya ng pakiramdam ko nung ginawa sa akin nung bata na may autism.

“Ang sarap sa pakiramdam dahil nakikilala ka nila bilang inspirasyon ka nila.”

Panuorin ang buong ulat sa chika ni Cata Tibayan

Pagkatapos ng successful run ng My Special Tatay, isang concert naman ang pinagkakaabalahan ni Ken Chan kasama ang kanyang on-screen partner na si Rita Daniela, kung saan porsyento ng concert ay mapupunta sa isang charitable institution.

WATCH: Rita Daniela, binistong naiiyak si Ken Chan pagkatapos ng 'My Special Tatay'

READ: Ken Chan, nagpasalamat sa mga sumusubaybay ng pagtatapos ng 'My Special Tatay'