Showbiz News

Jak Roberto, nag-react sa fan-made photo ni Sanya Lopez bilang Darna

By Jansen Ramos

Ipinost ni Kara Mia star Jak Roberto ang isang edited photo ng kaniyang kapatid na si Sanya Lopez kung saan makikitang ikinabit ang mukha ng aktres sa katawan ng Pinoy fictional superhero na si Darna.

Sanya Lopez


Usap-usapan kasi ngayon kung sino ang maaaring gumanap sa iconic character sa film adaptation ng comic book ni Mars Ravelo.


Sabi ni Jak sa Instagram, "@sanyalopez Ano na naman 'tong nababalitaan kong nagbibida-bida ka sa Twitter? Hay bida-bida. Sino kaya nag-edit nito?"

Biro pa ng aktor, "Kailangan ko nang mahanap ang pamalo ko sa lalong madaling panahon."

Samantala, ilan sa mga kaibigan ni Jak ang sang-ayon sa ideye na ito tulad na lang nina Say Alonzo, Jerald Napoles at Arnold Clavio.