Showbiz News

WATCH: Jo Berry, nagte-taping na para sa unang pelikula niyang 'Kiko en Lala'

By Jansen Ramos

Ibang-iba raw sa Onanay ang gagampanan ni Jo Berry sa kaniyang unang pelikula na Kiko En La.

Jo Berry

IN PHOTOS: At the pictorial of Super Tekla's comedy movie 'Kiko en Lala'

Sa ulat ng 24 Oras, ikinuwento ni Jo ang kaniyang role sa naturang pelikula,

"Dito po lagi lang light and makulit lang. Ako po 'yung kapatid ni Ate Tetay, ako po si Tadhana. Ako po 'yung laging nagkokontrol sa kaniya and may ire-reveal po ako sa dulo kaya abangan n'yo po," aniya.

Lagi raw masaya ang kanilang set dahil kina Tekla at Tetay dahil "hindi lang sa TV sila funny, kahit behind the camera din."

Kahit iba na ang mga katrabaho ni Jo ngayon, hindi pa rin daw nawawala ang kaniyang pagka-miss sa kaniyang mga dating katrabaho sa Onanay.

"Na-sesepanx po ako sa lahat ng nakasama ko, parang naninibago ako hanggang ngayon na wala akong taping ng Onanay," sabi ni Jo.

Panoorin ang buong ulat sa video na ito: