Showbiz News

Juday Visits SIS!

Judy Ann Santos dropped by "SIS" last September 30 for a quick Q & A with the hosts about her life, love, and upcoming movie, "Matakot Ka sa Kulam." In line with Kulam's theme, Juday had to pick a voodoo doll from a table and answer the question attached to it. Voodoo doll #4: Kung mayroong hindi magandang nangyari sa buhay mo noon na gusto mong kulamin para mabago, ano ito? Juday: "Naku, kung mayroon man, hindi ko naman mababanggit! Sa totoo, kung ano naman pinagdaanan ko sa buhay ko, masama man o maganda, gugustuhin ko pa rin siyang balikan, kasi yun yung nakapagpatatag sa akin, yun yung naging dahilan kung bakit positive yung outcome sa buhay ko ngayon, so okay lang mabalikan siya at mapagdaanan ulit." Voodoo doll #5: Once and for all, talaga bang ikakasal kayo ni Ryan? Juday: "Wala pa talaga kasing date. Kung sa ikakasal, oo naman, pero wala pang definite date. Malalaman nila." Voodoo doll #1: Matagal kayong nagkawalay ni Ryan dahil galing siya sa ibang bansa. Ano ang una niyong ginawa pag dating niya sa Pilipinas? Juday: "One month and a half kaming hindi nagkita. Nagpunta siya ng Argentina[for work]. Nag-welcome party kami sa bahay niya, kasama barkada ko at barkada niya. Tapos nag-Batangas kami kasama si Johan (Judy Ann's adopted son), yung aso niya tapos yung ibang barkada niya, kasama rin namin." Voodoo doll #2: Marami kang pinagdaanan as a producer of Ploning. Masasabi mo bang magandang 'kulam' ang good reviews dito, at ang nomination nito sa Oscars sa kategoryang Best Foreign Language Film? Juday: "Oo naman, worth it lahat ng luha na dinanas ko sa pelikulang ito! Sinabi pa lang sa amin na kami yung representative ng Pilipinas for the Oscars, so we have a lot of things to do pa, bago talaga ma-nominate. Chance pa lang na sana matuloy, matupad. Kasi ang dami pang pelikula—80 films ang ire-review nila. They'll cut them down to 18, then 9 then 5. Then that's the time na ino-nominate siya sa Oscars. Kaya pupunta kami ng L.A. para makipag-usap sa mga producers, sa Warner Brothers, sa Sony." Voodoo doll #3: Sinabi mo raw minsan na si Ryan (Agoncillo) na talaga gusto mong pakasalan dahil sa lahat ng na-link sa'yo, siya ang tunay na sumeryoso sa'yo. Juday: "Malalaman mo kung gaano ka-seryoso sa'yo ang isang tao pag tapos na yung project, e. Sa kanya, yun din ang test niya sa akin, na are we still gonna go out together, magkikita pa ba tayo? Nagkataon lang na hindi namin napapansin na araw-araw din naman kami nagkikita even after matapos yung show namin. Ay, baka mukhang tayo na nga!" Catch Matakot Ka sa Kulam in theaters nationwide! Catch the morning trio of Janice, Gelli and Carmina every weekday morning on SIS!