Showbiz News

EXCLUSIVE: 'Family History' star Nikki Co, ikinuwento ang mga pinagdaanan matapos ang kaniyang ACL injury

By Aedrianne Acar

Hindi biro ang pinagdaanan ng StarStruck heartthrob Nikki Co, matapos ang kaniyang ACL injury.

LOOK: 16 hot photos of David Licauco & Nikki Co

READ: Kapuso hottie Nikki Co recovering from ACL injury

Sa exclusive chat ng GMANetwork.com sa Kapuso actor matapos ang pictorial niya para sa pelikula na 'Family History' na pinagbibidahan nina Michael V at Dawn Zulueta, ikinuwento niya na parehong tuhod niya ang tinamaan ng injury.

Ayon sa www.mayoclinic.org, ang ACL injury ay pagkapunit ng anterior cruciate ligament (ACL) na isa sa mga major ligaments sa tuhod.

Taong 2015 ng magtamo siya ng ACL injury sa right knee dahil sa basketball. Matapos ang isang taon, kaliwa naman niyang tuhod ang tinamaan na kinailangan na niya ipa-opera last January 2019.

Saad ni Nikki, “Eh siyempre kailangan mag-trabaho, sumasayaw din po ako, so minsan pagnati-twist po na mali bumabalik tapos naiiba 'yung position niya so may pain din.

“So nag-decide ako na ipa-opera ko na para fully makatrabaho ng maayos.”

Challenging ayon sa chinito heartthrob na pagsabayin ang trabaho niya habang may iniindang injury, pero bigay-todo pa rin lalo na sa tuwing sumasayaw.

“Medyo alalay lang ako, pero siyempre kailangan mo ibigay 'yung best mo.”

Wala naman daw dapat ipag-alala ang kaniyang fans, dahil nasa 80% na ang recovery ng kaniyang tuhod.

Nagbigay din ng ilang tips si Nikki Co para sa mga Kapuso upang maiwasan ang ganitong klaseng injury.

Payo niya, “Una sa lahat kumpleto ang tulog mo. Mag-stretch ka bago ka gumawa ng activity. Tapos 'yung mga details na pagti-twist ng paa kailangan tama and 'yung pagtalon mo dapat tama ang landing mo kung naglalaro ka man ng sports. Kasi minsan hindi natin naiisip na 'yung impact is tumatama doon sa tuhod mo. Basta dapat lagi kang ready.”

Abangan ang magiging role ni Nikki Co sa family drama movie na Family History this coming June 2019!