Showbiz News

WATCH: Susan Enriquez, binisita ang Basilica di Santa Maria Maggiore

By Cara Emmeline Garcia

Binisita ni Unang Hirit anchor Susan Enriquez ang Basilica di Santa Maria Maggiore para makita ang bahagi ng Nativity Stone, kung saan kung saan pinaniniwalaang ipinanganak si Hesus.

Susan Enriquez

Ang relic ay binubuo ng tatlong pirasong kahoy mula sa Church of the Nativity sa Bethlehem na dinala sa Rome, Italy.

WATCH: A Guide to Israel's Holiest Sites

Dagdag pa ni Susan, importante na bisitahin ang nasabing basilica dahil ito ay isa sa pinakamatanda at pinakamalaking simbahan na inilaan para kay Maria.

Isa ang Santa Maria Maggiore sa four Papal major basilicas sa Italy kung saan nabibilang ang St. Peter, St. Paul, at St. John.

Sa loob, makikita ang magarbong ceiling na gawa sa ginto na galing pa sa hari ng Spain.

Dito rin matatagpuan ang “Salus Populi Romani” o ang imahe ni Maria at ni Hesus na pinaniniwalaang ipininta ni St. Luke at dinadalaw ni Pope Francis tuwing siya'y bumibisita.

Panoorin ang buong ulat ni Susan Enriquez: