Silipin ang nakakatuwang family weekend bonding nina Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, at kanilang anak na si Nate sa Sarap Diva.
Last Saturday (May 14), nakasama ni Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid sa Sarap Diva.
Kasama rin ang kanilang anak na si Nate.
Ang sweet naman nina Ogie at Regine
May pasalubong si Inday mula sa Pagsanjan, Laguna.
Naghanda si Ogie ng Niluyahang Mangga na kanilang isasangkap sa halo-halo. Si Regine naman ay naghanda ng calamansi con nata ice cream gamit ang pasalubong na dala ni Inday.
Bumisita ang kapitbahay nilang si Boobsie para pagpraktisan nina Regine at Ogie sa pagiging kapatid ni Nate.
Nagkaroon rin ng usapan sina Regine at Ogie tungkol sa Baby no. 2 at ang kanilang pinagdaanan sa pagdating ni Nate sa buhay nila.
Gumawa sila Ogie, Regine at Nate ng isang photo garden na puwedeng i-display sa bahay.
Abangan sa susunod na Sabado ang isa nanamang masayang kuwentuhan, kantahan, at kainan kasama si Regine Velasquez-Alcasid saSarap Diva.