Showbiz News

Netizens, suportado ang pananatili ni Dingdong Dantes sa Kapuso network

By Michelle Caligan

Humanga ang netizens sa loyalty ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa muli nitong pagpirma ng exclusive contract with GMA Network noong Lunes, April 22. Umabot na kasi sa 21 taon ang pagiging Kapuso ni Dong.

Dingdong Dantes

Dingdong Dantes is still a Kapuso after 21 years

Mababasa ang ilang comments sa gratitude post ni Dong sa kanyang Instagram.

Isa pa sa bumilib sa loyalty ni Dong ay ang showbiz writer at manager na si Lolit Solis.

Aniya, "Hindi kataka-taka na halos maiyak si Dingdong Dantes sa presscon niya sa pag-renew niya exclusive contract sa GMA Salve. For one more than 20 years siya sa station, mula sa pagiging teener, nagbinata, dun na na-meet ang asawang si Marian Rivera, nagkaanak ng 2 at ngayon pinili pa rin na dun pa rin mag-stay."

Dingdong Dantes to GMA Network: "Hindi ko kayo bibiguin"

"Pati nga head ng security kilalang-kilala si Dingdong na parang anak. Punong-puno ang puso ni Dingdong sa pasasalamat, puno ng pagmamahal ang kanyang mensahe, at ipinakita niya ang isang virtue ng isang Dingdong Dantes ang loyalty. So, GMA's precious son will always be where he [belongs]."

Positibo rin ang natanggap na comments ng post ni Manay Lolit.

Inanunsyo na rin na si Dingdong ang gaganap bilang Big Boss sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela series na Descendants of the Sun.

Dingdong Dantes to play 'Big Boss' in the Filipino adaptation of K-drama 'Descendants of the Sun'