Showbiz News

WATCH: Cast ng 'Love You Two' lumahok sa 'Top Two Choices' challenge ni Suzi Abrera

By Cara Emmeline Garcia

Dobleng kilig at saya ang hatid ng bagong Kapuso series na Love You Two.

Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado

Ang bagong primetime series ay sure-fire na kakikiligan ng mga manunuod ayon kay Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Aniya, “Mapapanood nila ang ibang love team naman, ibang chemistry naman sa television, diba?

“Para hindi naman na paulit-ulit na lang kami na naman ni ganito o kami na naman ni ganyan.

“Maganda 'yung nage-experiment.”

Ayon naman kay Shaira isang magandang karangalan ang maging bahagi sa rom-com series.

“Sobrang excited ako and sobrang happy ko.

“Kasi kilala niyo naman na sila 'yung prime ng GMA and nabigyan ako ng opportunity na maka-trabaho sila.

“At hindi basta lang katrabaho kasi, kapatid ko si Jennylyn tapos si Gabby naman love interest ko.”

Samantala, kumasa naman ang mga 'Love You Two' stars sa challenge ni Suzi Abrera.

Ano kaya ang mga top two choices nila sa mga tanong ni Suzi?

Alamin ang kanilang mga sagot sa video na ito:


Patuloy panuorin ang Love You Two, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Sahaya sa GMA 7!

LOOK: 'Love You Two' pilot episode trends on Twitter