
Sumabak na sa look test ang cast ng bagong Kapuso series na The Better Woman na sina Derek Ramsay, Andrea Torres at Ina Feleo.
Mapapansin na komportable ang tatlo sa isa't isa bagamat ngayon lang sila magsasama sa isang proyekto.
Saad ni Derek, magandang senyales daw ito na magiging magaan ang kanilang trabaho dahil magiging maayos ang kanilang samahan sa set.
“You get to see the other side of her [Andrea Torres], which to me is very, very important.
“If you want to build a bond with your leading lady, you should know who she is - her showbiz side and her real side.”
WATCH: Derek Ramsay at Andrea Torres, kampante na sa isa't isa
Nag-eksperimento naman ng iba't ibang looks si sexy star Andrea Torres para sa kaniyang roles na iaakma sa personalidad na kaniyang gagampanan.
Kaya naman from demure to sexy, game na game ang Kapuso actress.
Aniya, “Kapag sa soap naman, kahit ano hilingin nila sa akin ibibigay ko talaga.
“Kahit ano ipasuot nila at ipagawa nila, gagawin natin 'yan.”
WATCH: Andrea Torres, pinaghandaan ang role sa 'The Better Woman'
Panoorin ang behind-the-scenes video sa look test ng cast ng The Better Woman sa chika ni Nelson Canlas:
Derek Ramsay at Andrea Torres, magtatambal sa isang serye