Silipin ang photos ng 'Tween Hearts' cast members noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz industry!
Sa kasalakuyan, isa si Barbie Forteza sa mga leading ladies ng GMA!
Ang kauna-unahang TV project niya ay pagganap bilang young Jodi sa adaptation ng Korenovela na 'Stairway To Heaven.'
Natunghayan nating lahat ang pag-develop ni Bea Binene from a cute child star to a formidable actress.
Unang na-discover si Bea nang sumali siya sa 'StarStruck Kids' noong taong 2004.
The once cute Joshua Dionisio is now all-grown-up!
Gaya ng ka-love team niya noon na si Barbie, isa sa mga kauna-unahang projects niya sa GMA ay ang 'Stairway To Heaven.'
Aside from romantic roles, kayang-kaya ni Jake Vargas na bumida sa mga comedy shows.
Isa si Jake sa mga talents na nadiskubre ng yumaong Master Showman German Moreno.
Maliban sa acting, nakakahiligan ngayon ni Kristoffer Martin ang photography.
Ang gwapong-gwapo na si Kristoffer ay cute na cute noon!
Marami ang hanga sa ganda ng Chinese-Filipina star na si Joyce Ching.
Alam niyo ba na nagsimula si Joyce sa show na "Bubble Gang Jr.?"
Derrick Monasterio is shaping up to be one of GMA's hottest hunks.
Totoy na totoy pa ang hitsura ni Derrick noon.
Ginu-groom si Louise delos Reyes to be one of her home network's top artists.
Noon palang ay kinakitaan na ng potential si Louise nang maging lead actress siya sa 'Alakdana.'
Julie Anne San Jose is one of the network's most powerful performers.
Na-discover si Julie nang sumali ito sa talent competition na 'Popstar Kids.'
Patuloy na hinahasa ng home network ni Kiko Estrada ang kaniyang kakayanan upang maging isa sa mga top stars nito.
Naalala n'yo pa ba ang 'Tween Hearts' days ni Kiko?