Showbiz News

Alex and Amie, ngayong May 20 na sa GMA!

Ano ang gagawin mo kung ngayong matanda ka na ay biglang babalik ang imaginary friend mo noong bata ka pa?

Ito ang kwento ni Alex ( MIKAEL DAEZ) at ang kanyang kakaibang best friend from another world na si Amie.

Si Alex ang model teacher ng Buenavitez Institute of Learning : Masungit, seryoso, at walang nakakalagpas sa kanya. Kaya naman siya ang naatasang maging adviser ng pinaka “notorious” na mga estudyante ng eskwelahan. Pero magbabago ang seryosong mundo ni Alex nang bigla na lang lilitaw ang isang kaibigan na akala niya'y nakalimutan niya na. Paano niya haharapin at didisiplinahin ang kanyang mga estudyante kung may nakabuntot sa kanyang imaginary friend na walang ibang nakakakita kundi siya? Gulo ba ang hatid ni Amie sa buhay niya o si Amie ang magiging dahilan para mapalambot ni Alex ang mga pasaway niyang estudyante?

Makakatagpo ng pag-ibig si Alex sa school nurse na si Bing (MAX COLLINS) at laking pagsiselos naman ng karibal niyang co-teacher na si Patrick (DOMINIC ROCCO). Pero paano kung aakalain ni Bing na may girlfriend na si Alex na ang pangalan ay Amie? Mauunsiyami ba ang napipinto niyang lovelife dahil sa makulit na imaginary friend?

Makulay. Makulit. Cute na Cute. Malapit niyo nang makilala ang magiging bago niyong best friend tuwing umaga.

Kasama rin sina DEXTER DORIA, DAVID REMO, LEANNE BAUTISTA at iba pang surprise guests… abangan ngayong MAY 20, tuwing alas 8:30 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes, ang live animation show na ALEX & AMIE!