Showbiz News

Mikael Daez at Max Collins, na-stretch ang imahinasyon sa 'Alex and Amie'

By Marah Ruiz

Pinaghalong live action at animation ang upcoming Kapuso show na Alex and Amie, kung saan tampok sina Mikael Daez at Max Collins.

Mikael Daez at Max Collins

Tungkol ito sa teacher na si Alex at sa pagbabalik ng kanyang imaginary friend na si Amie.

"I think yung kuwento talaga revolves around si Alex and Amie finding their way together dahil dati silang childhood bestfriends.

“Makikita natin kung ano 'yung relationships, ano 'yung mga issues na pagdadaanan nila," paliwanag ni Mikael na gaganap bilang Teacher Alex.

Kinailangan daw nila ng matinding imahinasyon lalo na sa mga eksena kung saan nandoon ang mga imaginary friends.

"Ang saya kasi na-stretch talaga 'yung imagination namin dito kasi may green screen and then maraming animation.

“It was really up to us to bring that to life.

“Feeling namin, makikita rin ng mga bata 'yung kalokohan namin, kung gaano kami nag-enjoy sa taping namin. Mae-enjoy din nilang panoorin," bahagi ni Max.

Gagampanan niya ang karakter ni Nurse Bing, isa sa mga katrabaho ni Teacher Alex.

Umaasa din sila na magugustuhan ng mga bata ang kanilang show.

"Tungkol sa frienship talaga 'yung show and perfect talaga 'yung timing becaue summer na. Maraming aabangan 'yung mga bata," ani Max.

Abangan sina sa Alex and Amie, Lunes hanggang Biyernes, 8:30 AM simula May 20 sa GMA.

Live-action animation series na 'Alex and Amie,' mapapanood na ngayong summer!

Alex and Amie, ngayong May 20 na sa GMA!