Showbiz News

READ: Michael V, kinonsulta ang creative team ng 'Pepito Manaloto' para mabuo ang kuwento ng 'Family History'

By Aedrianne Acar

Tinulungan nang ilan sa pinakamagagaling sa larangan comedy si Kapuso actor-director Michael V para mabuo niya ang kuwento ng family drama movie na Family History na joint project ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment.

Michael V

LOOK: Manilyn Reynes, proud sa mga anak niya sa 'Pepito Manaloto'

Sa panayam niya sa Kapuso ArtisTambayan kung saan live silang nag-guest ng kanyang leading lady na si Dawn Zulueta, sinabi niya na tinulungan siya ng creative team ng show niya na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento para mabuo ang kuwento ng Family History na isang taon niyang isinulat.

Ani Michael, “Maraming makakarelate and I think this one really hits the spot, kasi hindi lang ako mag-isa nagsulat.”

“I did the initial research pero 'yung creative team ng Pepito Manaloto, sila 'yung naging consultants tapos marami silang ibinato sa akin.”

Malaki raw ang tulong ng creative team ng multi-awarded sitcom para lalo pa niyang mapahusay ang istorya ng kanilang pelikula.

“Minsan nga nakaka-deflate ng ego kasi akala ko tama na 'yung isinulat ko and then they come up with something na hindi ko masagot, tapos they have the answer pala.

“Basically it's a story na maraming makakarelate and something na puwede ako mag-showcase nung abilities as a director and as an actor.”

Don't miss the nationwide premiere of Family History in cinemas this coming July 2019.