Showbiz News

Herbert Bautista, babalik sa showbiz matapos ang kanyang termino?

By Aaron Brennt Eusebio

Sinagot ni outgoing Quezon City mayor Herbert Bautista ang tanong kung gusto niyang bumalik sa showbiz matapos ang kanyang panunungkulang sa gobyerno sa loob ng tatlong dekada.

Herbert Bautista


Ayon sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, may plano ni Herbert na bumalik sa telebisyon bilang artista at host pagkatapos ng kanyang termino sa June 30.

"I hope magkaroon ako ng trabaho sa entertainment industry because doon kami lumaki e," sagot ni Herbert.

"Hopefully after my term, may mga projects na pumasok na babagay sa akin."

May balak din si Herbert na mag-aral at tapusin ang kanyang doctorate degree sa public administration.

Saad niya, "Kasi gusto mo rin mag-artista at the same time, baka merong pag-a-artista once or twice a week tapos kukuha ka ng mga ilang subjects na once or twice a week din, that's okay."

Alamin ang iba pang balak ni Herbert matapos ang kanyang tatlong dekadang paninilbihan sa report na ito: