Showbiz News

'The Last Interview' to show Mayor Antonio Halili's last interview before being killed, says director Ceasar Soriano

By Aaron Brennt Eusebio

Ipinagmalaki ng direktor ng “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story” na si Ceasar Soriano na ipapalabas niya ang huling interview ng napaslang na mayor ng Tanauan, Batangas na si Antonio Halili.

“The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story” cast

Pinag-iisipan na noon pa man ni Ceasar na gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Mayor Halili kaya kinailangan niya itong interview-hin noong gabi bago ito barilin habang nagpa-flag ceremony sa municipal hall noong July 2018.

“Ipapalabas namin 'yung last interview ko sa kanya na hindi pa lumalabas kahit na saan. Ekslusibong mapapanood sa pelikula ang isang video na hindi pa napapalabas kahit saan--at kailangan malaman ito ng mga tao,” saad ni Ceasar.

Ikinuwento rin ni Ceasar na nararamdaman na ni Mayor Halili kung ano magiging kahinatnan ng kanyang buhay.

“In that interview, he already sensed na parang iba 'yung magiging kahinatnan, because our questions were like, 'O, pinatay na si Parohinog, Espinosa… Baka ikaw na ang kasunod?” kuwento ni Ceasar.

“On my way home that early morning, he called me. Sabi niya, 'Ceasar, can I have a meeting with you tomorrow after the flag ceremony?'

“Sabi ko, 'Wala namang problema mayor.' Hindi ko ma-imagine na may natanong ako sa kanya, 'Ano kayang magandang ending ng pelikula mo, Mayor?'

“He told me, 'Bukas, malalaman natin ang sagot diyan.'”

Binigyang buhay ni John Estrada si Mayor Halili samantalang si Ara Mina naman ang gaganap na asawa ng pinatay na mayor na si Gina Halili.

Kasama rin sa cast sina Martin Escudero, Yayo Aguila, Mon Confiado, at Juan Miguel Soriano.

Mapapanood na ang “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story” sa sinehan sa buong bansa.