Showbiz News

Gabbi Garcia, nakatanggap ng wedding proposal mula sa isang fan

By Maine Aquino

Isang wedding proposal ang natanggap ni Gabbi Garcia mula sa kanyang tagahanga.

Gabbi Garcia


Ayon sa post ni Alfred Armas, ang kanyang diploma ay para kay Gabbi.

"This is for you bebe Gabbi Garcia, for us, for our family. Hays baliw na baliw na ko sa 'yo nagpa-set na ako ng kasal haaaa? Attend ka kahit sama mo si Khalil , siya best man. Hihi mwaaaaa! Sana naman makarating sa 'yo 'to huhu."

Ikinagulat naman ni Alfred na sinagot ni Gabbi ang kanyang mensahe. Ani Gabbi sa kanyang Instagram story, "someone sent me this. CONGRATULATIONS. Sending my love to you."

Nang malaman ni Alfred ang mensahe ni Gabbi sa kanya ay hindi niya napigilan ang kanyang emosyon.

Saad ni Alfred sa kanyang Facebook account, "OMGGGGGG! This is not a drill guys, I repeat this is not a drill. Sabi ko sa inyo eh Love nya kooooo. So ayooooon , thank you sa mga nag-share to make this thing possible. I cant hinga hinga properly, my heart fast so tibok tibok talaga like oh my God talagaaaaa SO AYOOONN TULOY ANG KASAAAAAAAAL #AlGab