Showbiz News

WATCH: Rhian Ramos marami raw natutunan sa kaniyang pamamalagi sa Amerika

By Cara Emmeline Garcia

Isang welcome back party ang sumalubong kay Kapuso actress Rhian Ramos pagkatapos niyang tapusin ang short course on comedy improv sa Amerika.

Rhian Ramos


#WheresWhian: Rhian Ramos's life in New York

Mahigit anim na buwan tumira si Rhian sa New York para kuhanin ang nasabing short course at titiyakin daw niya na gagamitin ito para ma-improve ang kaniyang talento sa pag-arte

Aniya, “'Yung tineyk up ko is comedy improv na na-enjoy ko.

“Isa siyang genre na hopefully mas lalo ko pang ma-explore lalo na sa TV or sa movies.”

Maliban sa pag-improv, isang malaking detox daw para sa kaniya ang pagiging independent sa New York.

“I'm very happy to be back and marami akong natutunan while I was away.

“Para siyang way din na pagde-detox na nasa malayong lugar ka tapos naalala ko lang 'din everything that I love about being here [in the Philippines].”

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel:

#GrownUp: Rhian Ramos on being independent and living in NYC

LOOK: These New York Food Spots are Rhian Ramos-approved