TV

WATCH: Makapigil-hiningang views sa Bohol at Siargao nasilayan ni Drew Arellano

Ano man ang inyong hiking capabilities, mayroong perfect summit hike na hatid sa inyo si Kapuso host Drew Arellano.

Drew Arellano

Kung ikaw ay isang beginner, dumayo na sa Laguna Hills sa Danao, Bohol kung saan “simple lang ang lakaran” ngunit “kailangan magsimula nang maaga” para makita ang nakamamanghang view na sea of clouds sa tuktok ng bundok.

Kung Siargao naman ang next itinerary ninyo, payo ni Drew na sa halip mag-beach ay subukan naman mag-hike sa Corregidor Island.

Sa tuktok ng isla, makikita ang kakaibang island paradise na maihahalintulad na lamang niya sa Maui, Hawaii o kaya naman sa Batanes.

So kung handa na kayo sa isang breathtaking adventure, panoorin ang video na ito:


WATCH: Drew Arellano gives motorcycle safety tips

LOOK: Glaiza de Castro treks summit of Mt. Batur in Bali, Indonesia