Showbiz News

EXCLUSIVE: Bianca Umali at Kim Last, mas pina-level up na katatakutan ang mapapanood sa 'Banal'

By Aedrianne Acar

Todo ang katatakutan ang mapapanood sa APT Entertainment-produced movie na 'Banal' na pagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Bianca Umali at Kim Last

EXCLUSIVE: Bianca Umali considers doing horror film 'Banal' as fun experience

Makakasama sa first major movie ng BiGuel ang ilan sa mga pinakatalented na young talents sa showbiz tulad nina Kim Last, Andrea Brillantes, at Taki.

Sa exlcusive interview ng GMANetwork.com kina Bianca at Kim, matapos ang Kapuso ArtisTambayan, ikinuwento ng dalawa kung paano nila pina-level up ang 'Banal' na puwedeng ihanay sa mga sikat na international horror films.

Kuwento ni Bianca, “Very thankful na maganda 'yung response kasi this is one of my very first major movies of having a major role in the movie.

“And I think Filipino movies, it's the perfect time na mag-step up na and you know mapakilala natin, maipakita natin not only in our country but sa buong mundo kung ano 'yung kaya natin gawin.”

Paliwanag naman ni Kim Last na mas ginawa nilang "psychological" ang feel ng 'Banal' na kakaiba sa mga nakasanayan na jump scare movies sa Pilipinas.

“Mas psychological siya imbes na jump scare. Pero may mga times na magugulat talaga 'yung mga viewers sa mga ginawa namin.

“Pero ang focus kasi namin is pag-uwi na po 'yung mga nanonood parang matatakot sila na mag-isa parang ganun.”

May pressure ba kay Bianca Umali na mag-deliver sa project na ito kung saan lead role sila ni Miguel Tanfelix?

Pag-amin ng Kapuso actress, “Of course may pressure talaga and not only sa amin dalawa. And not only for this project, but para sa lahat ng mga ginagawa namin trabaho.

“Hindi naman talaga mawawala 'yung pressure but of course I always give my best sa lahat ng trabahao at oportunidad na ibibigay sa akin.”

Catch the intense horror flick 'Banal' in cinemas nationwide.