What's Hot

WATCH: Kiray Celis, naging motivation ang kahirapan para magtagumpay sa showbiz

By Cara Emmeline Garcia
Published June 7, 2019 11:10 AM PHT
Updated June 7, 2019 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Kiray Celis: “Huwag kang mapagod na mangarap ng mangarap.”

Si Love You Two actress Kiray Celis ay isa sa latest addition sa Kapuso talents.

Kiray Celis
Kiray Celis

Pero bago pa man siya maging kilalang komedyante, siya ay kilala bilang si Johanna Ismael Celis, nag-iisang babae sa apat na magkakapatid.

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Ayon kay Kiray, lumaki raw siya sa hirap, na umabot sa punto na "asin na lang ang ulam namin."

Dagdag pa niya, “[Lumaki kami] sa gilid po ng ilog

“As in sobrang hirap lang po talaga naming, na kailangan pumuntang ibang bansa ang papa ko para magkaroon lang kami ng pera.”

Ang mga rason na ito ang nagtulak para pumasok si Kiray sa showbiz at magpursigi sa larangan ng acting upang makatulong sa kaniyang pamilya.

Ngayon, sa halos dalawang dekada niyang pag-aartista, nakapagpatayo na si Kiray ng apat na palapag na bahay para sa kaniyang pamilya.

Nakapagbukas na rin siya ng sarili niyang business.

WATCH: Kiray Celis, ipinasilip ang kanyang restaurant

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Ano naman ang aral na matutunan sa buhay ni Kiray?

Sagot niya, “Kapag nangarap ka, huwag kang titigil kapag natupad na 'yung isang pangrap mo.

“Huwag kang mapagod na mangarap ng mangarap.”

Panoorin ang Tunay na Buhay ni Kiray Celis sa ulat ni Rhea Santos: