Showbiz News

WATCH: Pinoy comedy greats remember Gary Lising

By Marah Ruiz

Natagpuang patay ang komedyanteng si Gary Lising sa kanyang condominium unit noong nakaraang June 1.

Gary Lising


Ayon sa kanyang anak na si Bugsy Lising, pangatlong heart attack na daw ito ng kanyang ama. Sa edad na 78 yumao si Gary.

Inalala naman siya ng kanyang mga kaibigan at kapwa komedyante.

Noel Urbano

"Kami ni Gary, wala kaming pera lagi. 'Yung mga kaklase namin, mayayaman, naka-Chedeng, ganyan. Eh si Gary, may pagka komiko. Walang panahon na hindi nagbibiro 'yan. Noong araw, uso 'yung mga combo. Sabi namin ni Gary gawa tayo ng concert kuno."

Tessie Tomas


"What I admire most about Gary is his being a professional. Palagi siyang on time. Ang isa pang hinahangaan ko kay Gary 'yung paggawa niya ng mga one-liner jokes kasi 'yun ang hindi ko kaya eh. Mahirap gumawa ng one-liner jokes. I do mostly monologues pero siya, mabilis 'yung utak niya."


Noel Trinidad

"'Pag sa comedy, talagang nakakatawa siya. In fact, 'yung delivery niya, 'yung itsura niya, 'yung accent niya--lahat 'yun nakakatulong sa kanyang comedy eh. Kaya maski na ulit-ulitin niya 'yung joke niya, nadinig na namin 'yung joke, natatawa pa rin kami."


Cherie Gil

"I've known Gary since I was 15 years old. I've always enjoyed Gary's company. Medyo nga mapatsansingero 'yun eh, kaya lang lambing lang niya 'yan. He always made all of us laugh.

Giselle Sanchez

"Binigyan niya ko ng lahat ng libro niya. Siguro mga 12 [books], tapos tinrain niya ko. So mentor ko siya."

Panoorin ang feature ng programang Tunay Na Buhay kay Gary Lising: