Showbiz News

WATCH: Mga bagong reigning beauty queens, game face on na para makuha ang back-to-back crowns

Emosyonal ang 23-year old na si Gazini Ganados ng Talisay, Cebu nang itanghal siyang 2019 Miss Universe noong Linggo, June 9. Bukod sa titulo, ginawad rin sa Filipina-Palestinian beauty queen ang Face of Binibini at Best in Long Gown award.


TRIVIA: Meet the new Miss Universe Philippines

Gazini Ganados of Talisay, Cebu is Miss Universe Philippines 2019

Maliban sa kaniya, nasungkit naman ng bar-passer na si Bea Patricia Magtanong ng Bataan ang Binibining Pilipinas-International title. Binibining Pilipinas-Supranational naman ang pambato ng Maguindanao na si Resham Saeed. Habang ang Cebu City stunner na si Samantha Ashley Lo ang nag-uwi ng Binibining Pilipinas-Grand International crown. Nakuha naman ng Kapampangan beauty na si Emma Mary Tinglao ang Binibining Piliipinas-Intercontinental. Habang Binibining Pilipinas-Globe naman ang pambato ng Laguna na si Leren Mae Bautista.


At dahil international title holders ang kanilang predecessors, game face on kaagad ang mga bagong title holders na sina Gazini at Emma.

Mayroon na kaya silang pasabog sa darating na international competition?

Pahayag ni Gazini, “We will work hard together, all together, all my other sisters.

“We will do our best.”

Dagdag pa ni Emma, “I've waited for this crown and to compete internationally and represent the Philippines.

“And I think, we should wait for what that 'pasabog' is.”

Panoorin ang buong chika ni Athena Imperial:

WATCH: Catriona Gray turns emotional during her farewell walk

TRIVIA: Things you didn't know about returning Binibining Pilipinas candidate Vickie Rushton