Showbiz News

Mark Anthony, fan ni Heart Evangelista

Hindi maitatangging excited na sina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez para sa "Luna Mystika," ang first solo telefantasya ni Heart sa Kapuso Network at ang unang pagkakataon na magkakaparehas ang dalawa. During the show's November 11 press conference, Heart confessed that she couldn't believe all the blessings that are coming her way, which was the same case for Mark, who was equally grateful for his newly-acquired leading man status. The two share their sentiments in this interview. Another milestone Si Heart ang gaganap sa dual roles nina Luna at Celestina: ang una ay isang mabait na babeng ipinanganak na may pangit na mukha, at ang pangalawa naman ay ang kanyang misteryosang kakambal na sa gabi lamang nakikita. Si Mark Anthony naman ay gaganap sa papel ni Dexter, isang lalaking bibihagin ang puso nina Luna at Celestina. Kasama sa cast sina Dante Rivero, Chanda Romero, Sheryl Cruz, Romnick Sarmienta, Rita Avila, Gardo Versoza, Ariel Rivera, Mark Herras , Luis Alandy, Kris Bernal , Aljur Abrenica , Iwa Moto, John Lapus, Beth Tamayo, Pauleen Luna, Michelle Madrigal, Hero Angeles, Mosang, Marky Lopez, Bearwin Meily, Jade Lopez, Paulo Avelino, Prince Stefan and Jace Flores. "Parang hindi ko ma-distinguish kung saan yung kaba, kasi yung buong project na ito, kinakabahan ako!" kwento ni Heart. "Not because hindi ako confident na magre-rate siya, I mean, yung mga loyal fans naman ng GMA, siguradong manonood [sila]. Pero more of yung binigay sa amin—sa akin, yung ganoon? [Nakaka-overwhelm]!" Dagdag ng aktres, "Napakaganda ng grupo na ito, yung show, [at] kasama ko si Mark—si Cyrus [ng Ako si Kim Samsoon] na talaga namang hot item siya ngayon, so hindi ako ganoong kinakabahan [doon]. Pero syempre nandoon yung [thought] na first time ko dito sa GMA na magdala ng ako mismo yung lead role, so I'm very, very nervous!" Nagkasabay ang tapings ni Heart sa Codename: Asero at Luna Mystika. Hindi ba siya nahirapan sa pag-balanse ng roles? "Medyo naguluhan ako nang kaunti, kasi katatapos lang namin ng taping ng Asero, tapos dalawa agad yung character ko, so before each take, kunwari, nagta-transform ako bilang Celestina, nagkukulong ako sa kotse, nagmu-music ako, pati pabango ko, iniiba ko para talagang feeling ko ibang tao ako! Yun nga lang, talagang nagkaka-nightmares ako kasi ini-imbibe ko siya, pero nakaka-excite. Everybody here, sobrang focused sila sa trabaho, talagang pinag-aaralan nila yung scripts ni direk, lahat kami we're into what we're doing, so nakaka-inspire siya." Idol niya si Heart! All praises si Mark sa kanyang leading lady, na ikinatuwa naman ng aktres. Sabi ni Mark, "Si Heart para sa akin, isang tunay na artista, kung baga primetime na artista ito, pang-awards. Yung acting niya, panlaban lagi. Ako, bihira akong maging fan, pero ako, fan na ako ni heart ngayon pa lang. Nakita ko yung drive niya sa trabaho—iba." He added, "Nakikita ko yung heart niya sa craft niya—gusto niyang maging mas magaling na artista, kahit na magaling na siyang artista. At bukod sa magaling, matalino pa. Nagkakilala na nga kami, ilang beses na kami nagka-usap, so medyo well-acquainted na kami." Heart replied, "Natutuwa naman ako. Wala pang nakapag-sabi sa akin na pang-award, never ko naman pinangarap yun—parang napakalayo niya, pero thank you, coming from Mr. Mark, na bata pa lang kami, napapanood ko na siya. Crush siya ng mga pinsan ko, ganyan, tapos ngayon katrabaho ko na siya! So ang galing, ang saya, I'm very, very proud." The two made it a point to have bonding moments off-screen, although hindi maiiwasang may kaunting hiyaan at first. "You know si Mark, napaka-gentleman niya. Hindi siya nagte-take advantage ng babae. Alam mo yung gusto niya [tinatanong niya if] it's okay with you [to do certain scenes]. So I feel more confident, kaya nae-excite ako sa show na ito." Mark imparts, "Sa akin, si Heart, marunong makisama, nakikibagay, kung baga, minsan nga, may pawis ako, siya pa nagpunas! Alam mo yun, kumbaga, wala sa kanya yun, e. Parang 'groovy' lang talaga siya! Thank you talaga." Naaalala pa ni Heart ang unang beses niyang nakita ang Luna Mystika billboard sa GMA. "I [was] speechless. Parang hindi ko akalain na wow, nangyayari ba ito sa akin? Parang it only happens in dreams, e, na makakabalik ako na I can stand up again, parang movies lang." -- Text by Jillian Q. Gatcheco. Photos by Mitch S. Mauricio. Special thanks to Jason John S. Lim. Magsisimula na ang Luna Mystika sa November 17, Monday, kaya huwag niyo palalampasin ang bagong kakilig-kilig na team-up nina Heart at Mark! Gusto niyo bang maka-chat sina Heart at Mark Anthony? Visit www.igma.tv/livechat para maka-bonding niyo sila from 2 p.m. to 4p.m. on November 13, Thursday!