Showbiz News

Lani Mercado, The Ideal Mother

Lani Mercado is considered as one of the finest actresses we have in the entertainment industry. Isa rin siya sa pinaka sikat na celebrity moms ng bansa at sa dami ng pinagdaanan niya as a public icon, masasabi natin na marami ang humanga kay Lani Mercado sa kanyang pagbalanse ng buhay pamilya at buhay artista. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio Hindi naging madali kay Ms. Lani Mercado and ibalanse ang kanyang career at pamilya, pero sa kasalukuyan siya ang isa sa mga icon ng mga mothers sa buong bansa. Sa dinami-dami ng pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya, nanatili pa rin siyang matatag amidst all the controversies and issues. An ideal mom Choosing to concentrate on raising her seven children rather than dwell on the issues and controversies, Lani has maintained a perfect balance between her career and her family life. At present, busy si Lani sa kanyang bagong apo, na si Alexa- ang panganay ni Inah Revilla. "Nakakatuwa na you can see your family growing, iba 'yung feeling tapos nagkakasundo sila. Nakikita mo yung warmth and love, ayun maraming tanong si Gab (anak ni Jolo) tungkol kay Alexa, ini-interview na si Inah," ang kwento ng excited na lola. Tinanong namin sya kung marami ba siyang mga advice sa kanyang anak na si Inah tungkol sa pagiging ina. "Oo, 'yung mga natutunan ko din sa mommy ko at sa mother-in-law ko 'yung kapag nagkaka rashes, 'yung mother’s milk ilalagay sa bulak tapos ilalagay mo sa face para gumanda 'yung balat, ewan ko ba, kaugalian na 'yan ng mga nanay dito sa atin so pina-pass on ko 'yung mga ganoong mga bagay sa kanya," amin ni Lani. Idinagdag niya na very proud sya sa kanyang anak na si Inah dahil hands on ito sa pagaalaga sa kanyang baby. "Marami siyang binabasang libro. I think mas hands-on siya kaysa sa akin eh. Kasi siya 'yung tipong mom na naka-log book pa 'yung oras ng pagkain, at she reads about vaccinations for the baby." Back to drama Regardless of her hectic schedule, Lani still manages to give herself a chance to succeed in her career. At the moment, isa siya sa pangunahing character sa pinakabagong Sine Novela ng GMA, ang Saan Darating ang Umaga? Reprising the role of Ms.Nida Blanca as the ideal wife and mother, Lani is the perfect actress to play the role. "When I tackle a role, inilalagay ko yuing sarili ko sa character, kung ano 'yung personal experiences ko na makakadagdag sa role. Hindi ko siya inaatake ng parehas ng paagkakaatake sa napanood ko. Like nanay kami, parehas kami sa role. So 'yung pagka-nanay ko, lalabas at lalabas sa role," paliwanag ng aktres. Inamin din niya na isang malaking karangalan para sa kanya na i-portray ang role na dating ginampanan ni Ms. Nida Blanca. "Well it's an honor. Malaking hamon ito para sa akin mangalahati lang ako at makaabot sa kalahati ng nagawa niya masaya na ako, kasi alam ko dito nakatanggap ng maraming nominations si Tita Nida Blanca, so mangalahati lang ako, haay ang galing ko na (laughs)." Siguradong maraming ina ang makaka-relate sa role na ginagampanan ni Lani sa Saan Darating ang Umaga? Huwag palampasin ang pinakabagong Dramarama sa Hapon weekdays right after Una Kang Naging Akin.