Showbiz News

WATCH: 'Dobol B sa News TV' extended ang oras at araw!

By Cara Emmeline Garcia

Mas pinahaba at mas pinalawak na Dobol B sa News TV ang mapapanood dahil extended ang pag-ere ng radio program sa telebisyon mula Lunes hanggang Linggo, 6 AM to 12 noon.

At dahil nadagdagan ang oras at ng araw nito, may mga bagong show rin na mapapanood sa Dobol B sa News TV na swak sa mga pangangailangan ng avid viewers at listeners ng programa.

Ito ang pahayag ni 24 Oras news anchor at President ng RGMA Network Inc. Mike Enriquez sa naganap na press conference noong June 13, 2019.

“Ito ang obligasyon natin bilang propesyonal na mamamahayag: Ang siguraduhin na kung ano ang pangangailangan ng mga viewer in terms of 'yung mga programa at impormasyon sa balita eh natutugunan natin.

“So habang nagbabago 'yung pangangailangan nila dapat nagbabago rin tayo.”

Panoorin:

ICYMI: 'Dobol B sa News TV', araw-araw na