Showbiz News

WATCH: Adele fangirls over Spice Girls during reunion concert

By Cara Emmeline Garcia

Lumabas ang pagka-fan girl ng Grammy-award winning singer na si Adele habang nanonood ng reunion concert ng '90s British girl group na Spice Girls sa Wembley Stadium sa London, UK.

After 21 years, overflowing with happiness si Adele na mapanood muli ang kaniyang mga idolo habang kinakanta ang mga hits na “Stop” at “Spice Up Your Life.”

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng singer na parang nag-time travel siya to her 10-year-old self dahil malaki raw ang naging impluwensiya sa kaniya ng all-female group.

Highlight para kay Adele ang makilala backstage sina Melanie Brown a.k.a. “Scary Spice,” Melanie Chisholm a.k.a. “Sporty Spice,” Emma Bunton a.k.a. “Baby Spice,” at ang paborito niyang si Geri Halliwell a.k.a. “Ginger Spice.” Tinawag din niya ang grupo bilang “British Legends”.

Missing in action sa concert si Victoria Beckham a.k.a. “Posh Spice,,” na dumalo sa kasal ng isa sa mga kasamahan ng kanyang asawa, ang former England football star na si David Beckham, sa Seville, Spain.

Panoorin: