Showbiz News

Kris Bernal, may bagong ka-love team?

Sa bagong programa ng GMA-7, may bagong challenge ang staff para kay Kris Bernal—ang attempt na magkaroon ang kanyang love team partner na si Aljur Abrenica ng matinding karibal. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. "Tomboy ako, so siyempre from Sheila Mae (of Dyesebel) na maarte-arte na kikay, magiging boyish naman ako dito," kuwento ni Kris. She describes Malou, her latest role, as something she definitely hasn't done before—parang si Aljur Abrenica, sa pagganap nito bilang Libado. At para mas maging kakaiba ang role nila, ginawang isang tikbalang ang character ni Aljur. Paano nga ba magmahal ang isang tikbalang? "Hairy!" joke ni Kris. Ang Luna Mystika ang third telefantasya nina Kris, pagkatapos ng Zaido at Dyesebel. Pero this is the first one na apektado ang love story nila ng fantasy—dahil nga hindi tao si Aljur. At ang show na ito ang fourth time na magkaroon ng karibal ni Aljur sa pagmamahal ni Kris. Ang maiiba naman dito ay ang chance na sa karibal mapunta si Kris, at hindi kay Aljur. Kung tikbalang si Aljur, tao naman ang karibal niya. At ang gaganap bilang Henry, ang third party sa tikbalang-human love na ito, ay si Prince Stefan. "Ang nakakatuwa rin, kasi siyempre sobrang komportable na ako dun eh, 'di ba?" banggit ni Kris tungkol kay Prince. Isa si Prince sa mga batchmates ni Kris sa StarStruck: The Next Level, kung saan naging runner-up ito sa mga Ultimate titles. At mukhang sa Luna Mystika, masusubok kung may laban ba si Prince against Aljur. Mas mapapa-kilig ba niya ang mga fans ni Kris? "Hmm. Alam naman nila na kay ano ako," sabi ni Kris. Ayon sa dalaga, hindi naman magwo-worry ang fans nila, lalo na ang AlKris, na mapunta siya sa ibang lalaki—kahit sa story man lang. Pero ang wish ni Kris, sana next time siya naman daw ang may karibal. "'Di ko pa nararanasang may karibal ako kay Aljur eh." Tinanong namin siya na kung meron nga siyang karibal, who would Kris want to portray that character? Tumawa lang ang dalaga, at umiling. Sino nga ba ang bagay na maging karibal ni Kris sa puso ni Aljur? Now while we're wondering kung sino ang magandang karibal para sa kanya, manood na lang muna tayo ng Luna Mystika, gabi-gabi sa GMA Telebabad.