Showbiz News

Gary Estrada, Gustong Maging Comedian

A self-confessed seasonal actor, Gary Estrada accepted another kontrabida role because he believes na challenging ang character ni Dindo Rodrigo, isa sa mga main antagonists ng pinakabagong Sine Novela ng GMA, ang ‘Saan Darating Ang Umaga?’ Pero ang hindi alam ng marami, what Gary secretly wants is to be a comedian. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio Another heart-breaking story is being brought to us by GMA-7 through its 11th offering of Sine Novela Presents. Saan Darating ang Umaga? gives us top-caliber artists sa pangunguna nina Lani Mercado, Joel Torre, Yasmien Kurdi, Pinky Amador, Charlie Davao at Gary Estrada. Sinabi ni Gary na he believes in the merits of the story kaya niya tinanggap ang project na ito, aside from the fact na si Direk Maryo J. delos Reyes ang magsasa-telebisyon ng ‘80s hit movie. Pero kung siya ang masusunod, mas gugustuhin sana ng aktor na bigyan siya ng break sa comedy dahil isa ito sa mga genres na gusto niyang masubukan. “Nobody really offered me comedy. Mas nakakatawa ako sa personal. I’m so bungisngisin kasi. Hindi nila alam 'yung mga taong nasa drama, mas bungisngisin dahil ang akala nila syempre parating seryoso,” paliwanag ni Gary sa iGMA. “I am at a different stage in my life now and I believe it is time to move on. Hopefully I want to grow as an actor so I hope to develop my talents to become one.” Idinagdag pa niya na he wants people to see a different side of him at i-challenge ang kanyang sarili to do different roles. “I’ve done drama at action, kumportable na ako. I love doing those genres. Hopefully kapag binigyan ako ng comedy, why not? But nobody did (laughs).” Sa ngayon, mapapanood natin si Gary na ginagamapanan ang isa na namang markadong role sa Dramarama sa Hapon ng GMA, ang Saan Darating ang Umaga? Sa tingin ninyo, bagay ba kay Gary Estrada ang comedy? Log on to iGMA forums to share your thoughts and comments.