Showbiz News

WATCH: Shaira Diaz, naranasang magbenta ng yema sa eskuwelahan para makatulong sa pamilya

By Jansen Ramos

Bilang breadwinner ng kaniyang pamilya, kinailangan ni Shaira Diaz na maging maabilidad at madiskarte sa murang edad.

Shaira Diaz

Kuwento ng Love You Two actress sa Tunay Na Buhay, siya lang ang nagtatrabaho sa kanilang pamiya ngayon kaya doble kayod siya para matupad ang kanyang pangarap na mabigyan sila ng bagong bahay.

"Pangarap ko na mabigyan sila ng bahay, 'yung komportableng bahay, 'yung may sari-sarili kaming kwarto kasi ngayon magkakasama lang kami sa iisang kwarto.

"Ni-request ko sa kanila 'yun na kung okay lang na sama-sama kami para makatipid sa kuryente kasi ako lang nagtatrabaho ngayon."

Bata pa lang ay mulat na si Shaira sa kahirapan kaya minabuti niyang tumulong sa kanyang ina sa pamamagitan ng pagbebenta ng sweets, gaya ng yema, sa eskuwelahan.

"Elementary pa lang ako no'n, 'yung mommy ko kasi nag-aral siya sa TESDA, 'yung mga baking.

"Nagbe-bake siya ng mga yema, chocolate crinkles, gumagawa rin siya ng siomai, mga pili tart, tapos binebenta ko 'yun sa school."

Panoorin ang buong panayam sa Tunay Na Buhay:

WATCH: Kiray Celis, naging motivation ang kahirapan para magtagumpay sa showbiz