advertisement
Showbiz News

TRIVIA: Mga biglaang pagbubuntis ng celebs na gumulat sa publiko

1 of 46

Andi Eigenmann

Nabuntis si Andi Eigenmann sa edad na 21. Naging kontrobersyal ang kanyang pagdadalang-tao dahil todo tanggi si Albie Casiño na anak niya ang ipinagbubuntis ng ex-girlfriend.
 

2 of 46

Andi and Ellie

Sa isang podcast noong 2016, ibinunyag ng half-sister ni Andi, si Max Eigenmann, na si Jake Ejercito ang tunay na ama ni Ellie. Minabuti nina Andi at Jake na maging hands-on sa kanilang anak kahit pa sila ay naghiwalay na. Sa ngayon, naka-base ang aktres sa Siargao kasama ang kanyang surfing champion partner na si Philmar Alipayo at kanilang anak na si Lilo.

3 of 46

Nathalie Hart

Nakilala si Nathalie Hart, o Princess Snell, nang sumali ito sa ika-5 season ng reality show na 'StarStruck' kung saan nakasabayan niya sina Sarah Lahbati at Steven Silva.

advertisement
4 of 46

Nathalie and Penelope

Noong July 2018, ikinagulat ng marami nang ianunsyo ni Nathalie na siya ay nagdadalang tao at planong pakasalan ang kanyang Indian boyfriend. Noong sumunod na taon, kinumpirma ni Nathalie na naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend sa isang live interview. Aniya, “It wasn't working, it wasn't a happy home.”

5 of 46

Jennylyn Mercado

Taong 2008 nang ianunsyo nina Jennylyn Mercado at dating nobyo na si Patrick Garcia na ipinagbubuntis ng Kapuso actress ang kanilang anak. 
 

6 of 46

Jennylyn and Alex Jazz

Hindi nagtagal ang relasyon nina Jennylyn at Patrick kaya't si Jennylyn ang tumayong magulang ni Alex Jazz.
 

advertisement
9 of 46

LJ Reyes

Taong 2010 nang aminin ni LJ Reyes na ipinagbubuntis niya ang anak nila ng ex-boyfriend na si Paulo Avelino.
 

10 of 46

LJ and Aki

Si LJ ang nagpapalaki ngayon sa cute na anak nila ni Paolo na si Aki.
 

11 of 46

Bettinna Carlos

Pinili ni Bettinna Carlos na itago ang pangalan ng nakabuntis sa kanya noon.
 

advertisement
12 of 46

Bettinna and Gummy

Dahil walang kinikilalang ama, ang mga kapatid na lalaki ni Bettinna ang itinuturing ni Gummy na kanyang daddies.

13 of 46

Sarah Lahbati

Noong 2014, nagulat ang publiko nang aminin nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa isang reality show na mayroon na silang anak.
 

14 of 46

Sarah, Zion, and Baby Kai 

Ngayon, kasal na sina Sarah at Richard at dalawa na ang kanilang anak na sina Zion at Kai.

advertisement
15 of 46

Katrina Halili

Taong 2012 nang aminin ni Katrina Halili na ipinagbubuntis niya ang anak nila ng singer na si Kris Lawrence.
 

16 of 46

Katrina and Katie

Nang maghiwalay sina Katrina at Kris, namalagi sa pangangalaga ng 'StarStruck' alumna si Katie.
 

17 of 46

Valerie Concepcion

16 years old si Valerie Concepcion noon nang mabuntis siya ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeremy Carag.
 

advertisement
18 of 46

Valerie and Fiona

Lumaki si Fiona sa piling ng kanyang ina.

21 of 46

Dina Bonnevie

Nabuntis si Dina Bonnevie ng kanyang love team at ex-husband na si Vic Sotto noong siya ay 19 years old pa lamang.
 

22 of 46

Dina and Danica

Ngayon, mayroong ng sariling pamilya ang panganay ni Dina na si Danica Sotto-Pingris.
 

advertisement
23 of 46

Jean Garcia

Teenager si Jean Garcia nang mabuntis siya ng dating aktor na si Jigo Garcia.
 

24 of 46

Jean and Jennica

Tumayong single parent si Jean sa anak na si Jennica na ngayon ay mayroon na ring sariling pamilya. 
 

25 of 46

Carlene Aguilar

Bagama't itinago noon, lumabas din ang katotohanan na ang rumored boyfriend noon ni Carlene Aguilar na si Dennis Trillo ang nakabuntis sa former beauty queen.

advertisement
26 of 46

Carlene and Calix

Nananatiling suportado ni Dennis si Calix habang si Carlene ang nagpapalaki sa kanilang anak.
 

27 of 46

Kris Aquino

Sa edad na 23, nabuntis si Kris Aquino ng kanyang dating live-in partner at aktor na si Phillip Salvador.
 

28 of 46

Kris, Josh, and Bimby

Twenty five years old na ngayon ang panganay ni Kris na si Josh. Sa larawan, kasama ni Josh ang kanyang kapatid sa ina na si Bimby, ang anak ng basketball player na si James Yap kay Kris.

advertisement
29 of 46

Kylie Padilla

Ginulat ni Kapuso actress Kylie Padilla ang publiko nang ianunsyo niya na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Aljur Abrenica. Sa kanyang interview, inamin ni Kylie na hindi planado ang kanyang pagdadalang-tao.

30 of 46

Kylie, Alas, and Axl

Matapos maipanganak si Baby Alas, sinundan kaagad ito nina Kylie at Aljur ng pagpapakasal bago matapos ang 2018. Isinilang ng aktres ang kanilang second baby na si Axl Romeo noong December 2019.

31 of 46

Joana Marie Tan

Nagulat ang publiko nang ianunsyo ng dating teen star na si Joana Marie Tan na ipinanganak na niya ang kanyang baby noong December 2017.

advertisement
32 of 46

Joana and Baby Brie

Noong June 2018 ay bininyagan si Baby Brie at nagbahagi si Joana ng ilang larawan ng kanyang pamilya sa kanyang Instagram.

33 of 46

Inah Revilla

The eldest daughter of showbiz power couple Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. and Bacoor Mayor Lani Mercado, Inah got pregnant at the age of 18. Before giving birth, Inah tied the knot with her boyfriend Jorge Vicente "Vince" del Rosario on May 2008 at the Manila Cathedral in Intramuros, Manila.

34 of 46

Inah, Alexa, Iñigo, and Mikael

Inah's married life is going strong. In fact, this 2020, she and Vince marked their 12th anniversary. They have three adorable kids named Alexa, Iñigo, and Mikael.

advertisement
35 of 46

Karen Reyes

Former 'Pinoy Big Brother' Teen edition housemate Karen Reyes

36 of 46

Karen, Olivia, and Lucas

Usap-usapan ang ginawang announcement ni Karen Reyes sa kanyang YouTube vlog na isa na siyang mommy. Sa ngayon, may mahigit sa one million views na ang vlog ni Karen kung saan ipinakilala niya ang mga anak na sina Olivia at Lucas. Kuwento niya, "Si Olivia ipinanganak ko noong June 16, 2017. May mga lumabas na picture na nagpabinyag kami, which is totoo po 'yun. Hindi ko naman siya, totally, tinago parang more of gusto ko lang ng privacy ng mga bata. And then si Lucas naman is my second baby, he was born on July 28, 2019." Ang Silent Sanctuary vocalist na si Raymund “Sarkie” Sarangay ang ama ng mga anak ni Karen.

38 of 46

Phoemela Baranda

Noong 2013, ikinagulat ng publiko ang pag-amin ni TV host at personality na si Phoemela Baranda na mayroon siyang 15-year-old na anak. Sa isang TV interview, inihayag ni Phoemela na nabuntis siya noong siya ay 18 years old pa lamang at itinago ito dahil sinisimulan pa lamang niya ang kanyang modeling career.

Noong 2020, muling sinorpresa ni Phoemela ang publiko nang i-anunsyo n'ya na nagdadalang-tao siya sa edad na 40 years old. Ayon sa TV personality, matagal na niyang pinaplanong magkaroon ng anak kasama ang kanyang partner na si Jason Choachuy.

advertisement
39 of 46

Kim Nichole Baranda

Ayon sa TV interivew, sa edad na 11 years old ay alam ni Kim Nichole Baranda ang tunay niyang relasyon kay Phoemela Baranda. Ngayon, ate na si Kim sa kaniyang nakababatang kapatid na si Illya Samantha.

40 of 46

Sofia Andres

Noong June 21, 2020, inihayag ni Sofia Andres na mayroon na siyang anak sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda, isang Cebuano race car driver.

41 of 46

Baby Zoe

Malugod na tinanggap ni Sofia Andres ang kanyang pagbubuntis at ipinanganak si Baby Zoe sa Australia via natural delivery noong November 24, 2019.

advertisement
42 of 46

Ryza Cenon 

Ilang buwan matapos sabihing siya ay "self-partnered," ginulat ni Ryza Cenon ang publiko nang i-post niya sa Instagram ngayong July 1, 2020 ang kanyang mga larawan kung saan makikita siyang nagdadalang-tao. Ayon sa kanyang caption, "Happiness is on the way."

43 of 46

Night Cruz

Ipinanganak si Night Cruz noong October 31, 2020, ang unang anak ni Ryza Cenon at ang kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz.

44 of 46

Diana Zubiri

Noong October 7, 2020, nagulat ang publiko nang ipakilala ni Diana Zubiri ang kanyang anak na si Amira Jade Smith, ang ikalawa niyang anak sa asawa niyang si Andy Smith. Ipinakita nina Diana at Andy si Baby Amira sa pamamagitan ng isang vlog, na nagpapakita ng pregnancy journey ng aktres noong COVID-19 pandemic.

advertisement
45 of 46

Amira Jade Smith

Si Baby Amira Jade ang ikatlong anak ni Diana Zubiri. Ikinasal sina Diana at Andy Smith noong 2015 at kaagad nasundan ito ng kanilang unang anak na si Aliyah Rose Smith.

Bago siya ikasal kay Andy, may anak si Diana sa dating asawang si Alex Lopez, na namatay noong September 2010.

46 of 46

Janella Salvador

Opisyal na ipinakilala nina Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang anak na si Jude Trevor Paterson noong January 5, 2020.

47 of 46

Jude Trevor Paterson

Ayon sa isang vlog ni Janella, ipinanganak si Jude Trevor Paterson noong October 20, 2020 sa United Kingdom.

advertisement
48 of 46

Anna Vicente

'Ang Dalawang Ikaw' actress Anna Vicente dropped the big news, just days after the 2022 New Year celebration. She revealed that she will become a mother to twins with her non-showbiz partner Paolo Mercado.

49 of 46

Anna's babies

Based on her Instagram post after her baby shower in February 2022, they decided to name them after themselves- Baby Anna and Baby Paolo. She wrote on Instagram, “Little Anna and Little Paolo, you are already sooo loved. We can't wait to meet you.”

50 of 46

Raffa Castro

Ginulat ni Raffa Castro, anak ng dating T.G.I.S. star na si Diego Castro, ang publiko nang kumpirmahin niya na isa na siyang ganap na mommy sa kaniyang anak kay Joaquin Domagoso! Ibinahagi ni Raffa ang kaniyang maternity photo shoot noong August 22 sa kaniyang Instagram account. "Can't believe this was 4 months ago [blue heart emoji] and that the love of my life was inside my stomach [crying face emoji]" caption niya.

advertisement
51 of 46

Iza Calzado

Sa kaniyang 40th birthday, ibinahagi ni Iza Calzado ang balita na buntis siya. Para sa kaniya, itinuturing niya itong isang 'miracle' at pinakamagandang regalo na natanggap niya para sa kaniyang kaarawan.