Showbiz News

Ang sumpa ni Mark Herras sa Luna Mystika

Tampok sa Luna Mystika ay isang star-studded cast composed of the hottest young celebrities in showbiz ngayon. Isa na doon si Mark Herras as Kamilo isa sa mga kontrabidang engkanto na magkakaroon ng gusto kay Celestina ang masamang katauhan ng lead character na si Heart Evangelista. – Text by Erick Mataverde. Interview by Rose Galvez. Photos by Mitch S. Mauricio. Sa press conference ng Luna Mystika last November 11, tinanong si Mark Herras about details of his role in the show. "Ah, bad boy, duwende na cute," pabirong niyang dinescribe ang kanyang character. Nung mabanggit na kakaiba itong role niya sa dating nakasanayan niya sagot naman niya, "Actually naman ako ever since siguro paulit ko tong sinasabi na 'di rin naman ako mahilig mamili ng mga roles na napupunta sa akin. And, ah, I trust naman GMA na they're giving me this kind of character na, na hindi naman ako magmumukhang, or magiging bad image or magiging pangit 'yung takbo nung career or image [ko]. "Well, siguro, they're giving me a chance to do different kinds of roles 'di ba like nung nung kami ng digital film, 'yung Sapi, more of medyo malalim na Mark 'yung yari. Ah, this time, kakaiba naman," kanyang dagdag. He also confesses that the powerhouse cast of Luna Mystika works to his advantage. "Ako natutuwa nga ako dahil ever since na nag-start ako sa showbiz, siguro bibihira ako nagkakaroon ng, ng show na kasama ko is halos mga ka-age ko. Na like this, ang dami namin. Sila Michelle (Madrigal), sila Pauleen (Luna), sila Aljur (Abrenica). Ok 'yung story, ok 'yung samahan. Mas mapapadali at mapapaganda 'yung trabaho once na kasundo mo lahat eh" kanyang banggit. Likewise, he was also asked about working with Hero Angeles, who is being considered as Mark's professional rival, "I'm happy naman kasi never ko naman ginawang parang competitor si Hero eh. Never ko naman nilagay sa isip ko na, naku ito kalaban ko to, bale 'to Batch 1 ng Star Circle. Hindi, hindi. Never naman yan. I'm happy nakakasama ko ''yung mga [actors] like that, like si Hero from Star Circle nakakatrabaho ko sila, kasi ako naman kung puwede lang talaga gusto ko makatrabaho halos lahat ng artista. So, I'm happy," ang pahayag ni Mark. Tinanong din si Mark kung anong klaseng kapangyarinhan ang ipapakita niya sa show. "May power ako, parang may iiwan akong sumpa kay Heart. Kaya doon na, doon ako mai-in love sa masamang Heart na maganda. Which is pag-lipas ng story malalaman na parang kung bakit ako mag-iiwan ng sumpa," kwento ni Mark. Ano ang dapat i-expect ng mga viewers kay Mark this time around? "Siguro makikita nila na may bago naman, na may bago namang character si Mark. Hindi lang 'yung mukhang tao." And when Mark was asked that if ever he would be given a chance to become his character in Luna Mystika in real life, would he? "Pwede, pwede. Pero siyempre, hindi 'yung engkantong masama," ang kanyang sagot. Learn more and discuss what's up with Mark Herras by logging on to the iGMA Forums! Not yet a member? Register here! Get to know more about Luna Mystika straight from Mark himself! Key-in MARK [Your Message] and send to 4627 for all networks. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, TM, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is only available in the Philippines.)