Naging magkapatid sa labas sina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa 'The Half Sisters' at ngayon Sabado naman ay naging magkaribal sa coveted 'Lip Sync Battle Philippines' championship belt. Sino kaya ang nagwagi sa dalawa? Alamin sa gallery na ito.
Masaya pa noong una sina Barbie at Thea ngunit throughout the night ay mas naging mainit at intense ang kanilang rivalry.
Sa round 1 performance ni Barbie Forteza, ni-lip sync niya ang kantang "Who Says" na inawit ni Selena Gomez.
Nag-drama naman si Thea Tolentino nang i-perform niya ang "Bituing Walang Ningning" ni Sharon Cuneta.
For the 2nd round, ginaya ni Thea si Rihanna sa kaniyang pag-lip sync ng "Where Have You Been" ng Barbadian-singer.
Hindi nagbibiro si Thea nang sabihin niya na we've never seen her like this before!
Gayang-gaya ni Barbie ang Super Bowl Performance ni Beyoncé at kuhang-kuha niya ang pag-lip sync sa "Formation."
"Okay, ladies, now let's get in formation."
Pareho silang gumaya ng American pop stars ngunit kaninong bituin ang mas makinang?
Naging mag-half sisters man sila ngunit walang hating kapatid sa championship belt ng 'Lip Sync Battle Philippines.' Congrats, Barbie!